Jomar's POV
Bakit? Bakit ngayon ko lang napansin? May pagkakahawig ang kambal kay Amelia. Bakit ngayon ko lang nakita? Dahil ba iba na ang pananamit ng mga tao ngayon kumpara nung panahon ni Amelia? Dahil ba iba na rin maging ang paraan ng kanilang pananalita? May kinalaman kaya ang kambal kay Amelia? Wala naman siguro. Baka nagkataon lang. Tsaka matagal ng namayapa si Amelia kaya imposible yun.
Nandito pa rin ako sa sayawan sa plaza at kasalukuyan kong kinukumusta ang mga dati kong pasyente. Sa totoo lang, hindi nalalayo sa tungkulin ko bilang anghel ang trabaho ng isang nurse. Kaya nilang alagaan, protektahan at tulungan ang ibang tao. Para din silang anghel, wala nga lang pakpak.
Narinig kong ipinatugtog yung isa sa mga paborito kong kanta. Nagpaalam muna ako sa mga dati kong pasyente bago hinanap ang kambal. Gusto ko kasi silang maisayaw. Hindi ko nga lang alam kung sino sa kanila ang uunahin. "Hmm. Siguro, si Melody na lang."
Lalapit na sana ako kay Melody ngunit nakita kong hinila sya nung Jerwin sa gitna upang magsayaw. Pinagmasdan ko silang dalawa. T-teka, bakit ang lapit naman yata nila masyado sa isa't-isa habang nagsasayaw? Halos wala ng space sa pagitan nila ah. Ngayon ko lang nakilala yung Jerwin kaya naman gusto kong makasiguro na hindi sya masamang tao at hindi nya ipapahamak ang kambal.
Dahil nga naunahan ako, lumapit na lang ako kay Melanie at inaya syang magsayaw. Gusto ko rin kasing itanong kung paano nila nakilala yung Jerwin na yun, pero bago pa man kami makapwesto malapit sa kinaroroonan nila, nakita kong hinila nanaman nung lalaking yun si Melody. Anong problema nun?
Nang matapos kaming magsayaw ni Melanie, dali dali akong umalis para hanapin si Melody. Nabalitaan kong nasira daw yung cellphone nya kaya hindi ko din sya matatawagan.
"Nakita mo ba si Melody?" Tanong ko kay Aerah.
"Ay wiz. Nakaupo lang sya kanina ditey, hindi ko na alam kung san sya nagpunta."
"Tara. Hanapin natin."
Hindi maganda ang kutob ko. Umalis ako ng plaza para umpisahan ang paghahanap pero hindi ko sila matagpuan kahit saan. Kinakabahan ako at ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Bilang anghel, hindi kami nakakaramdam ng mga emosyon. Ang alam lang namin ay kailangan naming sumunod sa utos ng Ama at protektahan ang mga tao. Pero ngayong ako ay naging tao pansamantala, lahat ng emosyon ng tao ay maaari kong maramdaman. Masarap maging tao pero sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip na napakakomplikado nila. Sa mga ganitong oras ko naiisip na sana, nasa akin na ulit ang kapangyarihan at ang mga pakpak ko. Pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko. Parte lahat to ng aking misyon.
"Aaaaahhhhhhhhh..."
Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa di kalayuan. Dali -dali kong pinuntahan yon at laking gulat ko ng makita ko si Melanie na namumutla at nanginginig mula sa kanyang kinatatayuan.
"Melanie, anong nangyari?"
Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid ngunit wala akong nakitang ibang tao.
"Melanie, nasaktan ka ba? Anong nangyari? Sabihin mo sakin."
Hindi nya sinagot ang mga tanong ko. Bigla na lang syang umiyak at napaluhod. Para akong biglang nanghina sa nakita ko. Ano bang ginagawa ko? Naging pabaya ba ako sa kanilang dalawa? Hindi ko ba nagagampanan ng mabuti ang misyon ko?
BINABASA MO ANG
Ang Karibal ko
DiversosSiya ang taong kinaiinisan ko. Siya ang taong kahati ko sa lahat. Siya si Melanie Angeline Madrid. Sya ang karibal ko... Sya ang kakambal ko... Paano kung may pagkakataon na akong masolo ang lahat, papalampasin ko pa ba?