Ikatlong kabanata

56 1 0
                                    

Melody's POV

"Hay. Nakakapagod. Dapat talaga taasan ni tya Epang yung sahod natin eh. Ang dami daming trabaho sa restaurant tapos ang konti magpasahod." Kagagaling lang naming magkapatid sa trabaho. Nakakainis nga dahil utos dito, utos dyan si tya Epang, palibhasa inggit sya sakin. E kaya lang naman madaming kumakain sa restaurant nya kasi madaming taong gusto akong makita. Maganda kasi ako. O well, hayaan na nga.

"O mga anak, andyan na pala kayo. Kain na tayo."

"Sige tay, magpapaload lang po ako sandali," sagot ko kay tatay. Naubusan kasi ako ng load, wala tuloy ako pang text kay Jomar.

"Sige, bilisan mo anak."

Nagpaload ako ng alltext10 sa tindahan. Papauwi na sana ako ng makasalubong ko si Mang Kundring, ang kapitan ng barangay, na mukhang papunta sa bahay.

"Magandang gabi Mang Kundring. Ano po ang atin?" bati ko sa kanya.

"Naku ikaw pala. Tamang-tama. Ikaw talaga ang sadya ko. May pangeant kasi na gaganapin sa katapusan, e tatanungin ko sana kung okay lang bang ikaw ang maging kandidata ng barangay natin. Ikaw din kasi ang gustong isali ng mga barangay members kasi bukod sa maganda ka na, matalino ka pa, kaya tyak na malaki ang pag-asa nating manalo. Wag kang mag-alala, lahat ng gastos ay sasagutin ng barangay iha. Kaya sana ay pumayag ka," sabi ni kapitan.

Matagal ko ng gustong maging beauty queen pero nagdadalawang-isip ako sa alok nya. Parang hindi kasi ako bagay sa barangay beauty contest, dapat Ms. Universe ang sinasalihan ko eh. Hayaan na nga.

"Sige po kapitan payag po ako. Ihanda nyo na din po yung paparty ng barangay dahil siguradong tayo ang mananalo," sagot ko kay kap.

"Naku. Salamat iha. Siguradong matutuwa ang iba nating kabarangay dito. Salamat talaga Melanie."

Melanie.

Melanie.

Melanie.

Mela----

"TEKA MANG KUNDRING, HINDI PO AKO SI MELANIE. AKO PO SI MELODY. MELODY PO, HINDI MELANIE." Halos sigawan ko na si kapitan. Bwisit na matandang to, naturingang kapitan tapos hindi marunong kumilala kung sino samin si Melody at sino si Melanie panget. Sobrang labo na siguro ng mata nito.

"Ay naku. Sorry iha. Sorry Melody. Sobra kasing magkamukha kayo. Ang turo kasi nung bata kanina e ikaw si Melanie. Pasensya na talaga iha. Andyan ba ang kambal mo? Tatanungin ko sana kung gusto nyang sumali."

Gusto ko na talagang bigwasan si kapitan sa sobrang bwisit ko. Hindi naman ito ang unang beses na napagkamalan akong si Melanie pero tong uugod-ugod na to, parang pinapahiya pa ako.

"Nasa loob sya pero malabong pumayag yun. Kaya wag na kayong umasa."

"Ganun ba? Pwede bang ikaw na lang ang sumali kung sakaling ayaw nya?"

Naku naman talaga oh. Ginawa pa akong panakip-butas. Butasin ko din kaya yung mata nitong matandang to?

"Aba, ano PO kayo? Sinuswerte? Dapat mamili lang PO kayo ng isa samin. Tama PO bang gawin nyong taga-salo yung isa kung sakaling hindi pumayag yung isa?" Intense talaga yung pagkakasabi ko ng PO, nakakabadtrip eh.

"Hmmm. Tama ka iha. O sige, pwede bang ikaw na lang Melody?"

"Kahit nabubwisit na PO ako sa inyo, OPO, pumapayag na PO ako."

"Sige, salamat iha. Una na ako. May mga pupuntang barangay members sa sabado para kausapin ka. Pasensya na ulit Melody ha."

"Sige PO. Ingat PO kayo."

Natutuwa ako na nalulungkot. Natutuwa dahil ako ang pinili. Nalulungkot dahil parang pilit ung pagkakapili. Kung wala siguro akong kakambal, hindi ako malulungkot ng ganito. Hayaan na nga. Gagalingan ko na lang sa contest para maipamukha ko sa kambal kong nakikihati sa mukha ko na akin dapat ang korona.

Ang Karibal koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon