Melody's POV
"Oi Melody. Gising!"
Nagising ako ng maramdaman kong may sumampal sa maganda kong mukha.
"Aray, ang sakit nun ah. Pag ako nagkapeklat sa mukha, itatakwil kita. Maghanap ka na ng iba mong kakambal," sigaw ko sa kanya. Huhu. Ang sakit po eh.
"Haha. Ang O.A mo talaga. Mukhang binabangungot ka kasi kaya ginising kita."
Panaginip lang pala. Bakit parang totoo? Bakit pati sa panaginip ko nag-ge-gate crash pa din si kuya? Oh well, hayaan na nga. Matutulog na lang ako ulit at baka sakaling si Jomar naman ang mapanaginipan ko. Hmmm. Pero infairness ha, my hawig sya kay Jomar ko.
________________________________________________________________________________
Sabado ngayon at walang pasok. Nagwawalis ako ng bakuran ng makita ko si Aerah na may kasamang isang lalaki at isang babae.
"Oi, Melody, busy ka ba? Pinadala kami nila kapitan para tulungan ka sa pageant. Susukatan ka sana namin then mag iisip na din tayo ng talent mo bakla," sabi ni Aerah.
"Ah ganun ba? Okay. Sino yang mga kasama mo?" tanong ko sa kanya.
"Ah, eto nga pala si Kaye, sya ang bahala sa mga isusuot mo, at ito naman ang kapatid nyang si Jerwin, sya ang bahala sa talent mo, mga pamangkin sila ni kapitan," pagpapakilala ni Aerah.
"Hi Melody. Ang ganda ganda mo, ang galing talaga pumili ni tito. Siguradong tayo ang mananalo," sabi nung Kaye.
"Tss. Alam ko," sagot ko sa kanya sabay irap. Sa tuwing naaalala ko kung paano ako pinili ni kapitan para sa pageant, nagiging isang malaking ampalaya ako----bitter. Feeling ko naging second option lang ako eh. Bakit kasi ipinaalala pa nya?
"So, where's your twin? I wanna meet her. From what I've heard, sya dapat ang isasali sa pageant so I'm really wondering why tito Kundring changed his mind," sabi nung Jerwin.
Kung pwede ko lang sipain palabas ng Earth tong lalaking to, ginawa ko na. Ako na nga ang pinili diba? Ako na nga eh. Ako. Ako. Bwisit sya. Tsaka bakit ba sya nageenglish? Hindi tuloy ako makaisip ng isasagot ko. Badtrip naman oh. Alin ba ang mas tamang isagot ko? Get out o Stay out? Stay out yata.
"Oh, may mga bisita ka pala Melody. Tamang-tama, magluluto ako ng sopas para may meryenda tayo" saktong dating ng kambal ko. Kung minsan talaga, okay din ang timing nya eh. Mabuti naman at makakapag-isip pa ako ng isasagot ko sa mayabang na lalaking to.
"Hey. you're Melanie right? I'm Jerwin and she's Kaye. Mga pamangkin kami ni Tito Kundring, we're here to help your sister for the pageant." Lumapit sya kay Melanie at nakipag shake hands. Grabe ha, ang feeling close nya lang.
BINABASA MO ANG
Ang Karibal ko
RandomSiya ang taong kinaiinisan ko. Siya ang taong kahati ko sa lahat. Siya si Melanie Angeline Madrid. Sya ang karibal ko... Sya ang kakambal ko... Paano kung may pagkakataon na akong masolo ang lahat, papalampasin ko pa ba?