Melody's POV
Bwisit. Bwisit. Bwisit. Punyeta yung mayabang na malanding lalaking yon. Bigla na lang syang umalis pagkatapos nya akong halikan at ang bilis bilis pa ng lakad nya. Mukhang wala naman syang pilay eh. Humanda talaga sya sakin. Huhu, yung first kiss ko. Sorry Jomar ko, sayo dapat yun eh.
"Whaaaaa. Taena talaga. Irereklamo ko sya sa barangay"
"Sinong irereklamo mo sa barangay?"
"Ano bang pakialam------- i-ikaw pala Jomar. Kanina ka pa ba dyan?" Naku, si Jomar pala. Nakita kaya nya yung ginawa nung mayabang na malanding lalaking yon? Sana naman hindi, baka kung ano pa ang isipin nya.
"Hindi naman, kadarating ko lang. Katatapos ko lang kasing magduty."
Kakatapos lang ng duty nya? Grabe, mukhang fresh pa din sya at bagay na bagay talaga sa kanya yung uniform nyang white. Para syang anghel.
"Ah ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Pauwi ka na ba?"
"Oo. Sino pala yung ipapabarangay mo? May nanakit ba sayo? Tsaka medyo namumutla ka, masama ba ang pakiramdam mo?"
Para akong nakuryente ng hawakan nya ang noo ko. Ang sweet talaga ng Jomar ko. Nagtatrabaho sya bilang nurse sa isang hospital sa bayan kaya naman kung sya ang magiging nurse ko, okay lang kahit sa ICU pa ako.
"Ah, wala to, pagod lang siguro, kanina pa kasi ako nagjojogging pero pauwi na din ako."
"Ganun ba? Lika sabay na tayo. Eto pala oh, sayo na lang tong cup cake ko."
Buti na lang nandyan si Jomar, atleast nabawasan yung kabadtripan ko dahil sa ginawa nung mayabang na malanding lalaking yon.
"Ang sarap ng cup cake Jomar. San mo to nabili?"
"Dun lang sa bayan, paborito ko din yan eh, ang sarap no?"sagot nya.
"Naku, mas masarap ka pa din-----asdfghjkl" Potek, ano ba yung nasabi ko? Nahawa na yata ako sa kalandian nung Jerwin na yun ah. Pakshet naman oh, nakakahiya.
"Ah eh ano, i-ibig kong sabihin, masarap kasi galing sayo-----asdfghjkl" Whaaaaa!!! Ang landi ng dila ko. Ang landi na nga, ang corny pa, makapagmumog nga ng alcohol mamaya.
"Hahaha. Ang cute mo talaga Melody. Wait. May chocolate sa gilid ng labi mo."
Lumapit sya at pinunasan yung chocolate gamit yung thumb nya. Ang lapit na ng mukha nya sakin. Ang ganda talaga ng mga mata nya, brown ang kulay at ang tangos din ng ilong nya. Yung labi nya, parang ang sarap halika-----asdfghjklasdfghjklasdfghjklasdfghjklasfghjkl
BINABASA MO ANG
Ang Karibal ko
RandomSiya ang taong kinaiinisan ko. Siya ang taong kahati ko sa lahat. Siya si Melanie Angeline Madrid. Sya ang karibal ko... Sya ang kakambal ko... Paano kung may pagkakataon na akong masolo ang lahat, papalampasin ko pa ba?