CHAPTER ELEVEN

21 4 0
                                    

NAKASUNOD lang ako kay Hades ng bumaba ako ng sasakyan. Isang apartment ang pupuntahan namin ngayon.

Kahit gusto ko magtanong ay hindi ko magawa. Lintek na!------ nakakatakot kasi si Hades parang kapag sinundot ko siya o bumahing ako dito ay papatayin niya ako. Kaya naman nanatili na lamang akong tahimik.

"H-hades." unang bungad saamin ng nagbukas ng pinto.

Sumulyap pa siya saakin at bahagya pang kumunot ang kaniyang noo, pero hindi na naman siya nagtanong.

Sige magtanong siya ng tuluyan talaga siya ni Hades.

"Kate, I tell you, my temper is very bad and I know, you don't want to test it. So listen carefully and please, answer me. Carefully." Madilim na sabi ni Hades.

Madilim ibig sabihin kulay black! HAHAHA! JOKE 'YON! TAWANAN NIYO KO!

"Hades, I didn't expect that this would happened. I mean, It's just one night."

Napahilamos naman sa kaniyang mukha si Hades.

"You didn't----what!? When you open your legs for someone! Expected mo na dapat iyon! Have you ever think what consequences you have to face when you do that thing huh!? What are you going to do now? Who the hell is the father of that child!? If saw that bastard I'll definetely rip his head!!"

Napahawak ako saaking ilong ng maramdaman kong parang may tumulo doon. Napasulyap pa saakin si Kate na kinakabahan at bahagya pa siyang nagulat ng mapadako ang tingin niya saakin.

"G-God! He's bleeding!" Sigaw niya kaya naman agad na napaharap sa gawi ko si Hades.

Nangunot agad ang noo niya ng makita ako.

"What happened to your nose!?" Yamot na sigaw niya bago may kinuha siya sa suot niyang jacket.

Nanonood lang naman ako sa isang tabi pero ito pa ang inaabot ko!

Kung bakit kasi ga'nun siya magsalita! Alam niyo 'yon!? Nasa pilipinas naman kami e! Pero kung makapag-english siya!

Sakit sa ulo!

"Grabe ka kasi mag-english di kinaya ng ilong ko. HAHAHAHA! Joke 'yon! Tumawa ka!"

Tumawa ako sa harapan niya, samantalang hindi naman maipinta ang mukha niya at inis na inihilamos saakin ang panyo na kinuha niya sa kaniyang jacket.

Pansin niyo, ang harsh ni Hades.

"Kate, who is the father of your child!?" Mahinahon na siya ngayon pero mababakas mo parin ang kaseryosohan dito.

Matagal bago hindi nakasagot si Kate at bigla nalang nanlaki ang mata ko ng saakin na naman napunta ang tingin niya.

Siguro may gusto ito saakin. Well, sorry siya hindi ako umaako ng batang hindi naman ako ang bumuo Hahahaha!

"Kamukha niya e." Sabay turo saakin.

AKO!? PUTANGSHELLS!

Biglang naglabas si Hades ng kutsilyo sa jacket niya kaya agad akong napatago at nakatakbo sa likod ni Kate.

Ano pa bang laman ng jacket na 'yan!? May baril,at kutsilyo!? Anong susunod!? May bomba na siya d'yan at balak na niya kaming pasabugin!? Ang brutal naman talaga niya!

"TANGINA! BAKIT AKO ANG ITINURO MO!?------TEKA, TEKA! HINDI AKO, BAKIT SAAKIN NAKATUTOK 'YAN!?" natatarantang sigaw ko.

"Kamukha mo hindi ko naman sinabing ikaw." Sabi naman niya.

Pag nakatama iyang si Hades magsisisi talaga siya!

DAHIL.

MADUDUNGISAN ANG KAPOGIAN KO.

She's DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon