CHAPTER FOURTEEN

24 4 0
                                    

"OO, nag-aalala ako Hades."

Siya naman ngayon ang napaiwas ng tingin.

"Nag-aalala ako, at hindi ko alam kong bakit! Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng banyo samantalang naandoon sa labas nakikipaglaban sa mga taong gustong pumatay saakin! Wala akong magawa kaya nagagalit ako sa sarili ko! Nag-aalala ako dahil parang wala lang sa'yo ang buhay mo! Oo nag-aalala ako! Ano masaya kana!?"

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.

Hindi ko dapat ito nararamdaman. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ganito ang mga sinasabi ko.

She's Hades, I shouldn't feel this strange feeling cause this isn't good.

Maybe I'm just scared? Scared that she almost died because of me? Siguro 'yon lang talaga iyon.

"Henry, 5 weeks more and I'm going back to states. Y-you shouldn't be like this." Hindi ko maintindihan kung naguguluhan siya dahil nakakunot ang kaniyang noo.

Biglaang may kumirot sa puso ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.

Aalis na siya? Ibig sabihin, tapos na ang trabaho niya saakin, kay Dad.

"Kontrata ba ang trabaho mo kay Dad?" Iyon nalang ang nasabi ko.

Bahagya lang naman siyang umiling sa sinabi ko. "No, I'll quit."

"A-ano?"

Why I have this feeling that she's not comportable with our conversation?

Or it's just me.

"I just need to finish my real mission here and I'll leave." Biglang seryosong sabi niya bago siya tumitig muli sa mismong mata ko.

"Ayokong magkaroon ka ng kaunting awa para saakin. I am a bad person. Soon I know, you'll hate me."

●●●●●

-Third Person's PoV

Kaagad na ding nagpadischarge si Hades sa opispital.

Pakiramdam niya kasi ay lalo lamang siyang nanghihina sa lugar na 'yon. Kaya naman kahit ayaw pa ni Henry o kung sino pa man ang pumipigil sakaniya ay ipinilit pa rin niya ang kaniyang gusto.

Nagulat pa nga si Kate ng pumasok siya sa loob ng apartment nito na kasalukuyang kumakain ng strawberry na isinasawsaw nito sa ketchup.

"Seriously? Ketchup? Strawberry? Are you for real Kate?" Napapangiwi pang sabi niya.

Inirapan lang naman siya ni Kate. "I'm craving into this since yesterday! Tsaka, masarap naman siya. Try mo."

"Nevermind." Sabay upo niya sa couch.

"Bakit nagpadischarge ka agad?" Tanong pa niya.

Kibit balikat lang naman siya. "I'm not feeling well."

Napairap nalang ang si Kate. "Then, you should stay in the hospital and not here."

Kinuha niya ang remote at binuhay ang tv. "I hate that place. It makes me weak."

Napabuga nalang siya bago muling nagsawsaw ng strawberry sa ketchup. "You're not a superhero Hades. Hindi ka ga'nun kalakas."

"You always pestering my decisions. Mind your own business will you?" Banat nito sakaniya. "I'll finish my real mission here as soon as possible and I'll fly back to States at kung hindi ka pananagutan ni Ivan Santiago you should come with me too. You have no reasons to stay here any longer, besides Tito and Tita have no idea in your situation right now, they also need to know that you're pregnant." Dagdag pa nito.

She's DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon