01

122 20 11
                                    

"Gising na Bailey!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko. Umagang umaga ang ingay.

Napabangon ako bigla ng kumalampag ang kung anong metal sa sahig.

Amporkchop.

Tiningnan ko ng masama si Joyce. Nakapamewang naman ito.

"Ano ba? Natutulog yung tao eh!"reklamo ko saka tumalukbong ulit ng kumot hanggang sa ulo ko.

Napa-irap na lang ako ng hilahin ni Joyce ang kumot ko. Exposing me. Para na akong katol na nakalukot. Umagang-umaga naman kasi eh.

"Gumising ka na! Alas 8 na! Maglilinis tayo! Maggo-grocery pa tayo! May bayarin pa tayo dito sa apartment natin! Sana okay ka lang!"sigaw niya saakin. Gigil ka teh?

Padabog akong umupo,mukha akong sabog. Magulo pa ang buhok. Halos nakapikit pa ang mata ko. May laway pa ako siguro. Pinunasan ko naman ang bibig ko,pero wala naman.

"Ang tahimik niyo naman! Salamat 'di ako nai-istorbo dito!"sigaw naman ni Jocey galing sa sala. Isa rin 'to.

"Ang aga-aga Joyce ang ingay mo, mas malaki pa boses mo kesa sa'yo."sabi ko habang nakapikit dahil sa sobrang antok.

Bigla ba naman akong binatukan. I glared at her. She glared back. I just rolled my eyes.

Attitude ka ghorl?

"Bangon na! Madami na namang tao du'n ayuko makipagsiksikan okay?! I'll just take a bath. Bangon na Bailey!"

"Eto na babangon na nga. Dami pang sinabi e." Pagdadabog ko saka pinilit ang sarili na bumangon. Nag-inat muna ako saka tumingin sa orasan.

Amp. Scammer talaga 'tong babaeng 'to. Alas otso na daw? Eh alas sais pa lang eh. Parang nanay lang.

Bumangon na'ko at naghilamos. Nagsimula na rin akong mag-almusal. Nasa sala si Jocey at nanunuod nga ng T.V ang gaga habang naglalagay ng nail polish sa kuko niya.

Sa iisang apartment kami nakatirang tatlo. Simula ng tumungtong na kami ng college bumukod na kaming tatlo. Our school is far sa kaniya kaniyang bahay namin. Nag rent na lang kami ng apartment, hassle kung biyahe lang kami ng biyahe. Sayang din sa pamasahe. Umuuwi din naman kami tuwing weekends.

Condo na sana ang gusto ng Daddy ni Jocey pero ayaw naman niya.

Choosy pa nuh?

She wants to live her life daw normally like what other people do. Si Joyce naman ganun din. Ako ayuko talaga. Tipid ako, saka na ako magco-condo kapag ka sariling pera ko na yung ibabayad ko.

Kaya ito, rent rent lang kami.

Maliit lang naman siya pero sakto na saaming tatlo. Iba-iba ang courses namin.Working students din kaming tatlo kaya kahit papaano eh, natustusan namin ang mga pangangailangan namin. Lalo na sa mga bayarin sa school. Hati-hati kaming tatlo sa lahat ng bayarin namin dito sa bahay.

Nang matapos na'ko mag almusal naligo na rin ako. I just wore a maong shorts at white crop top na pinaresan ko ng puting sapatos.

"Let's go na?"yaya ni Jocey. Sumakay na lang kaming jeep para tipid.

Nakarating naman kaagad kami sa mall, kahit na medyo siksikan at mainit.

Naghanap-hanap na kami ng mga pagkain namin na good for 1 month, pumunta din kami sa stall ng mga panlinis.Maglilinis kami mamaya sa apartment.

"Ang mahal naman! Kala mo talaga lahat ng mamimili eh galante! Jusq! 'Di ba nila alam kung pano magbigay ng discount?"reklamo ni Joyce.

Waves of Memories (Conflicto En El Amor Series#1)Where stories live. Discover now