09

14 1 0
                                    


          

           Tinanghali na ako ng gising. Hindi ko na naabutan pa sina Joyce. Nabasa ko na lang sa sticky notes nila sa pintuan ng ref na may pupuntahan sila.

          Napahikab na lang ako at naginat bago sinalin sa tasa ko ang mainit na tubig. Gosh girl, alas 12 na tapos parang mag-uumagahan pa lang ako.

         Oh, well tinanghali na kasi ako. Pagod na pagod kasi ako kagabi. I even woke up with my uniform still on.

        I tsked.

         Pumasok ako sa banyo saka naghilamos ako sandali, naglagay din ako ng mga nilalagay ko sa mukha ko.

          Matapos kong mag-agahan, nanuod na lang ako ng t.v saka diniligan ang ibang halaman. Pamatay oras lang.
Boring naman kasi e. Wala akong ibang magawa maliban dito, saka yung mga librong binili ko, natapos ko na lahat.

         Nasa pinanunuod kong palabas nakatuon ang atensiyon ko. Bigla na lang may nag doorbell.

        Putang, sino ba yan! Istorbo naman e. Kita namang may pinapanuod ang tao,oh!

     Nakadalawang doorbell ito. Excited amp. Batuhin ko'to ng mangkok.

     Bagsak ang balikat kong tinungo ang pintuan saka pinagbuksan ang kung sino mang istorbo sa buhay ko.

     "Hi". My eyes widened when I opened the door. "Y-Yuhan.." Sambit ko sa pangalan niya. He smiled widely.

     Sumilip ito sa likuran ko bago siya nagsalita. I gulped. Anong bang ginagawa nito rito?

     "Pwede pumasok? May kasama ka ba?" tanong niya saka luminga-linga sa likuran ko.

     Fuck, amoy na amoy ko na naman ang nakakaadik niyang amoy. Nanunuot na naman ito sa ilong ko, lumulukob sa buong sistema ko.

      "Bae.." He said and waved his hand in front of me. Bumalik naman ako sa huwisyo ko. "Yes? Anong s-sabi mo?"utal kong tanong.

      Nginitian niya lang ako."Sabi ko, pwede ba akong pumasok?" Tumango lang ako saka iginaya siya papasok patungog sala.

     Naupo naman siya sa mahabang sofa.

     "So, you're all alone? Where are your friends?" Sabi niya habang nakahalumbaba at pinakatitigan ako.

    "Lumabas. Umalis." Yan na lang ang mga nasabi ko. Kasi naman. Putang mga titig yan. Pag ako natunaw dito sa kinatatayuan ko, ipapakulam ko siya.

      "I told you not to stay here all alone, right? Pano kung mapano ka rito kasi mag-isa ka lang." Apaka advance naman niya mag isip.

      I rolled my eyes at him. "Sa tagal-tagal ko ng mamalagi sa apartment na'to, wala pang nangyayaring sa mga sinabi mo." Sabi ko saka umupo sa single sofa sa kaliwa niya.

     I heared him sighed. "I'm just concern. Ayaw kong may mangyari sa'yo." Sabi niya. Napailing na lang ako.
"Gusto ko satin lang." He added. My damn eyes widened."Siraulo." Sabi ko.

     Binato ko nga ng unan. Pero nasalag niya, sinamaan ko na lang siya ng tingin habang tinatawanan niya lang ako.

    "Pero seryoso, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Tumigil naman siya sa pagtawa saka may kung ano siyang kinapa saka kinuha sa bulsa niya.

    Omg, baril ba yan? Babarilin niya ba ako ng pagmamahal? Charot.
   

     He showed me his phone. "Here, no response from you. Dami kong text,chat at tawag." Sabi niya saka nag pout.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waves of Memories (Conflicto En El Amor Series#1)Where stories live. Discover now