03

49 9 0
                                    

         

           I woke up early. It's Monday! Natapos ko naman kaagad yung plates ko. Buti nga hindi sabaw utak ko! Nakalimutan ko na siyang gawin kagabi kaya ngayong umaga ko na siya ginawa. Perspective na lang naman ang tinapos ko.

    
        I took a short bath at inayus ko na kaagad ang sarili ko. Ako na rin naghanda ng agahan.

       Tapos na ako kumain nang magising ang dalawa. "Good morning." Bati ko sakanila saka nag toothbrush ulit.

      They looked so sleepy pa. Maaga naman sila natulog kagabi, kahit nambuwesit pa. It's just 6:30 in the morning. Saktong 8:00 am ang pasok ko. 

      
        "Good morning.You're so early naman."bati saakin ni Jocey, while brushing her long black hair.

        "Today's the day!" I exclaimed saka pinunasan ng tissue ang bibig ko.

       "Omg magkikita na kayo?" Mukha namang nabuhayan si Joyce. I glanced at her before rolling my eyes.  Magkikita nino? Gosh.

        "Today's the deadline of my plates!" I corrected her while I'm busy applying some lip and cheek tint.

        "Oh,okay. Ingat ka." They both said na parang nanghihinayang pa.

     Sinukbit ko na ang bag ko saka tumayo na. Ready to leave.

       "I will,kayo din. Bye!" Pamamaalam ko saka iniwan na sila.

        Nag taxi na lang ako.

    
        Kaagad din naman akong nakarating sa school.

       Time flew fast. Napasa ko na din kaagad yung plates ko. Good remarks from my prof. Nakakaiba talaga siya ng mood. Medyo nakakapagod nga lang talaga kapag Monday. Expect the flood of activities. Kahit na nakapasa na ako ng plates. Sa katunayan 2 lang kaming nakapasa ng mga pinagawa. Binigyan ulit kami ng panibagong gawain. 5 new designs. Sa Thursday pa naman ang deadline, next week.

          Well, this course is not that easy. Kaya feel ko din ang mga ka block mates ko. Although, hindi ako sanay na nagka cram.

      Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa National Bookstore.

      I have to buy new books. Tapos ko ng basahin ang mga novels ko. Bibili na din ako ng pens. Paubos na tinta ng pens ko e.

        Pagkatapos kong bumili ng mga kailangan ko. Umuwi na din ako diretso.

       "Nakauwi na ako!" I exclaimed the moment I opened the door. Hinubad ko muna ang sapatos ko at itinabi ito. Seems they're not home yet.
        

         Umakyat ako sa kuwarto ko. I put  my bag to my couch. Nilagay ko na din sa study table ko ang mga pinamili ko.
      

        Nag shower din muna ako bago bumababa patungong kusina. I saw two sticky notes sa pinto ng fridge.

      "I might be home late! We have drills kasi. Surely, I'm tired later. Cook something deli!" Jocey.

         Pag magpa- flight attendant nga naman. Drills here, drills there. I shook my head at kay Joyce naman ang binasa.

         
       
        "Baka late ako makauwi mamaya! Kung sino maunang umuwi. Siya magluluto!" Joyce.

    
        Edi wow sainyong dalawa.

Waves of Memories (Conflicto En El Amor Series#1)Where stories live. Discover now