07

8 3 0
                                    

        

  It's been 2 weeks and a half now nang hindi na nagparamdam saakin si Yuhan. Ghinost ata ako. Putakte siya.

             
      Mabuti din at hindi ako masyadong na attached sakaniya. Although nasanay ako na palaging may magme-message saakin. Tatawag para mambwesit at magjoke ng mga korni niyang jokes.

           

       Inasar din ako nang dalawa. Lalo ni Joyce. Mga bwesit sila.

     Pero bago ako ghinost ni Yuhan. 5 days bago siya hindi nagparamdam, madami siyang sinabi saakin, lalo na yung magiging busy daw siya. Lalo na puros demonstrations at drills ang gagawin nila.

   

       Pake ko? E, busy din ako sa studies ko,hmph. Mas iisipin ko pa yung mga gagawin ko kesa sa mga sinasabi niya.

      Busy??! Walang time?!!!

       Pero naiintindihan ko naman yun! Pero bakit? wala ba silang breaktime? Gago! He should find a way,duh! Akala ko pa naman, malakas siya dun sa nagtuturo sakanila? Wew. Nice joke ha. Joker talaga siya.

   
           Mine-message ko din naman siya pero paunti-unti lang. Baka sabihin niya e, sobrang atat akong makausap siya! Sobrang atat ako para lang sa mga replies niya. Well, no.

 
           But there are times na hinihintay ko talaga ang messages or replies niya. Pero wala. Busy talaga ata, or baka limot niya na ako. Awit. May manliligaw bang ganun? Oo meron, si Yuhan. Tsk.

          Seaman nga pala yun. Seaman-loloko.

 

            For the past few weeks, I just spent my days, reading books. And also sa studies ko. It's really  hard, but I love interior designing kaya kinakaya ko naman. Kapag weekends naman, kapag boring talaga, sumasama ako kina Joyce.

   

  Nagsa-shopping or spa kaming tatlo. Pero minsan madalas sa club si Jocey, minsan bar. Instead of jamming with her natutulog na lang ako ng maaga. Gigising ng maaga kapag may pasok. Kapag wala naman, movies or pagbabasa lang inaatupag ko. Or clean the apartment whenever it's my duty.

           And now, I'm heading my way palabas ng gate. Madaming akong bitbit dahil kakatapos lang ng klase ko. Ka stress! Malapit na matapos ang sem kaya sobrang busy na talaga!

        "Excuse me." I said in a tired voice. Putcha! Hingal na hingal na ako! I can't even see the way dahil sa mga karga-karga kong gamit. Tapos dami pang magjo-jowang harang harang sa daan! Para mga suso sa bagal  maglakad! Sipain ko sila diyan e! Maghihiwalay din naman sila! Hmph!

       
          I just continue walking when my phone rung, I tried to reach for it. Bwesit sino ba naman 'tong tumatawag?!

        Dahil hindi ko nakita yung dinadaanan ko, I bumped onto something, or  to someone!

         "Omy gosh!" I screamed at lahat ng gamit ko ay nagsiliparan sa ere.

       "Aray ko!" I screamed the moment I felt my butt landed on the ground.

       "I'm so sorry are you hurt?" Tanong ng kung sino saakin. "Hindi ba obvious?!" Pagtataray ko saka pinagpagan ang palda ko. Aray, taena napasama ata bagsak ng pwet ko.

         My eyes widened.

       Putcha! Nagsikalat lahat ng gamit ko sa daan! Taena sino ba naman kasi 'tong gagong 'to?! Kita ng daanan humaharang harang pa diyan! Sipain ko siya diyan e.

Waves of Memories (Conflicto En El Amor Series#1)Where stories live. Discover now