Lada
Sa di kalayuan ay may magarang kubo na ginawa talaga para sa mga bisita nila nonno at nonna. Kumpleto ito sa kagamitan pero presko pa din at kubong kubo ang dating nito. May lutuan, ihawan at mga gamit din na pwede pang luto, this picnic is a relief and a welcome break from all the turmoil that's been plaguing me these past few weeks.
Napaka daming pagkain ang dala ng mga kasambahay ni nonna, may pang ihaw, pang kinilaw, kaldereta, puro pagkaing pinoy ang inihanda na ikinatuwa ko naman. Mayroon ding mga prutas at mga greens na pang salad, parang handaan ang pagkaing dala namin sa picnic na iyon. Sabi din ng lola ni Achilles at Axel ay tuturuan niya akong magluto ng kaldereta at bitsuelas. Pero parang gusto ko din mag ihaw. Laging wala ang mama ko, madalas ay mga maid at driver lang naman ang kasama sa bahay that's why I never learned to cook, it would be really great if someone could teach me.
"Lada, iha. Halika at tuturuan kita paano ang magluto ng caldereta. Paborito ito ni Axel at Achilles." Tinawag ako ni nonna, naka prepare naman na ang mga rekado at lulutuin na lang.
"Oh wow, really nonna? This is also one of my favorite dishes. Sayang lang at hindi ako naturuan ng mama." I said na nakalapit na sa kanya. Kaming dalawa lang sa bandang iyon ng kubo, si Nonno, Achilles at Axel ay nag iihaw sa labas mg kubo. Medyo malayo sila sa amin pero nadidinig ko pa din ang asaran nilang magpinsan. They looked happy, at least nawala na ang tension sa kanilang dalawa.
"Iha, ang pagluluto dapat may kasamang pagmamahal. Para itong pag ibig, kailangan tama ang sangkap na ilalagay mo, tama ang timpla, hindi maalat ng sobra at di rin naman matabang. Sakto dapat dahil ang sobra ay masamang lasa ang kalalabasan." Mahabamg litanya ni nonna.
"Is it okay if I put pork instead of beef sa caldereta nonna?"
"Yes, apo. It's okay. It depends on how you like it, but of course wag mong hahanapin ang lasa ng beef sa pork caldereta mo. I prefer the beef, malasa, malinamnam, kahit pa nga mas matagal lutuin kaysa sa pork." Hindi ko alam kung pagluluto pa ba ang sinasabi ni nonna.
"What if I like them both nonna? Hindi po ba pwede iyon?" I asked her.
"Hindi maari apo, kahit pa sabihin mo na pareho mo silang kayang lutuin, meron at meron ka pa rin babalikan na isa. At kahit naman piliin mo na ang isa na maging specialty mo, minsan mararamdaman mo pa din na gusto mo din ulit lutuin ang pork version nito dahil namimiss mo." Makahulugan ang mga ngiti ni nonna. Matalinhaga ang mga sinasabi niya.
"Lada, cooking is a lot like love. You have to be ready to get burned, get scarred and scalded. But this does not mean you have to stop cooking, because with practice you learn, every person has their version of a recipe, walang perpekto o saktong paraan ng pag gawa nito, pero isa lang ang layunin ng lahat..--" naputol ang sasabihin ni nonna ng magsalita si nonno na kakapasok pa lang sa pinto ng dirty kitchen.
"..ang makakain.." ang lakas ng halakhak ni nonna. Tila ba aliw na aliw sya sa sinabi ni nonna.
"Tapos na po ba kayong mag ihaw lolo?" Sabi ko habang tinitikman ang luto namin ni nonna.
"Not yet, sweetheart. You should get out there at maluluto naman na ata ang caldereta ninyo."
"Oh, okay. I'll go take a look at your boys." I said smiling sa matatanda.
"Oh, they're your boys now, Lada. But you have to choose soon, no?" Nonno looked at me na tila may iba pang gustong sabihin pero hindi naman na siya nagsalita pa ulit.
Nginitian ko lang si nonno at lumabas na ako ng kusina. It's a fucking big mistake, sa labas inabutan kong nag iihaw si Axel at si Achilles, both are bare chested, nangingislap sa tama ng araw ang pawisang mga katawan ng dalawa. My throat immediately went dry at the sight of these two gorgeous men. Oh so help me, God!

YOU ARE READING
Arctic Heart (Ice Queen Series)
Romance"I told you not to move, Amore." His voice grave and dangerous, he forcefully made me face him, raised both my arms above my head, and crushed my lips with his. I hated myself for releasing lustful moans and letting his hungry mouth ravish mine. Bef...