CRUSH

19 0 0
                                    

Isa dalawa tatlo
Tatlong hakbang papalayo sayo
Apat lima anim
Anim na bes pinagisipan kung itutuloy ko ba ito
Pito walo siyam
Siyam na senyales ang dumating para sa desisyon na gagawin

Natipuhan kita sa taglay mong kabaitan
Paggalang sa babaey aking mas lalong nagustuhan
Boses na kay lamig o ang sarap pakinggan
Crush ako bay iyong pagbibigyan?

Pagbigyan sa labis kong kakulitan
Nagwave sa iyo kahit hindi mo naman ako kakilanlan
Sapagkat ngiti moy aking napapaginipan
Kay sarap pag masdan pag ikay nakamtan

Crush kailan man akoy hindi mo binigo
Pagreact mo sa post ko akoy napapatayo
Pagview sa myday koy nagwawala sa aking toyo
Napapaisip ako gusto rin kaya ako nito?

Ngunit aking napagtanto ganyan ka talaga sa lahat
Hindi pa handang sumabak sa mundong sakit ang kaharap
Ako ay simpleng dalagang hindi mo kailan man magugustuhan
Lugar moy malayo at kailan may hindi mo rin ako binalak puntahan

Sino ba ang katulad ko para sayo
Nagrereply ka lang naman tuwing magchachat ako
Presensya koy hindi mahalaga sayo
Pero presendya mo kailangan ko ng husto

Nasanay sa sayang binibigay mo
Natauhan nung naramdaman kong wala lang ang isang tulad ko sayo
Bakit ipagsisiksikan ang sarili ko
Sa taong kahit kailan hindi naman ako ang gusto

Pangarap kita sapagkat mundoy mapaglaro talaga
Ngiti mo sa labi sakin nakakapagtulala
Dimples mong kay sarap tignan kung akin ka sana
Kaso nga imposible yon mangyari ano ba

Sa tulang ito hindi ko alam kung alam mo
Ginawa ko ito para sayo
Sa saglit na ating paguusap alam kong alam mo
Ikaw ang gusto ngunit hindi ako ang gusto mo. 😅

-November 9 2018

Tula ng babaeng nasaktanWhere stories live. Discover now