GUSTO

11 0 0
                                    

Dati rati tila hindi ko maintindihan
Nararamdaman ngunit wala naman akong pakialam
Pusong naguguluhan
Hindi naman alam kung anong pinagmulan.

Ngiti mong tila ba isang bituin
Nagbibigay ningning sa mundong madilim
Nararamdaman hindi ko alam kung anong gagawin
Iiwas nalang ba at manatili sa dilim

Ngunit nandyan ka nagbibigay nanaman ng saya
Akala koba wala na pero bakit patuloy pa
Sabi ko ayoko muna
Pero pag nakikuta kita gusto kong lumaban at sabihing sige kaya kona

Ipaglalaban kita pero hindi ko alam kung tama ba
Baka dumating nanaman sa puntong ang desisyong ito ang makasira
Makasira sa ilang taon buwan at araw na nawala
Na baka isang araw ay teka hindi pa pala talaga handa

-May 2,2019

Tula ng babaeng nasaktanWhere stories live. Discover now