SIMULA NA HINDI BINIGYANG WAKAS

14 0 0
                                    

Simulan natin sa umpisa
sa lugar kung saan tayo unang nagkita
Mahal naalala mo pa ba ang ngiti ko noong araw na nakita ko kayong magkasama
Tila walang pakielam basta nalang nakangiti kung saan

Mahal bakit nga ba ako'y masaya kahit ang mahal mo ay iba
Hindi sapat ang salitang mahal kung pipigilan kitang sumaya sa piling nya

Mahal yung araw na kayoy naghiwalay akoy naghihintay
Ngiti sa labi hanggang sa mata
mga tanong na naiiwan sa akin kailan mo kaya ako makikita

Mahal noong araw, ikay akin lamang pinagmamasdan sapagkat walang lakas ng loob ikay lapitan kayat hindi mo man kilala nakikita ko parin ang ngiti sa yong mata

Sa malayo ikay aking pinagmamasdan
Nagmamasid kahit wala kang alam ngunit akin ding napagalaman may bago ka palang pinopormahan

Bagay kayo, maganda siya pogi ka
Ngunit napapatanong ng mahal bakit hindi nalang ako mahal kita mula pa noon bakit siya pa?

Lumipas ang araw at buwan kayoy nagkamalabuan isa dalawa tatlo tumawag ka sa aking telepono
Hello ang sagot ko

Nagtanong ako ng bakit ang sagot moy wala lang gusto lang kitang makilala
Talaga ba mahal gusto mo ako makilala
Ngunit akoy kilalang kilala na kita

Lumalim ang usapan hanggang napunta sa pagiibigan
Pangalan koy inangkin
presensya koy hinihingin
Ganitong pangyayari wag nyo nang tapusin

Isang araw tayoy nagkita masaya at walang problema nagbigayan ng matatamis na salita ngunit ang oras ay mapagbadya

Nagpaalam ka ganon rin ako hindi ko alam na huli na to, sanay inabisuhan mo ako para alam ko hanggang saan ang pagsasama nating ito

Hindi na nagparamdam natapos ng biglaan
Walang paumanhin o paalam nagkikita na parang walang pinagsamahan

Tanggap ko ngunit bakit, bakit kaibigan ko ang iyong pinalit masaya ako sainyo salamat sa saglit na pananakit mo

wag mong gawin sakanya ang ginawa mo samin ng mga iniwan mo
Mahal na mahal kita, pero hanggang dito nalang siguro ito

-Nov 9, 2018

Tula ng babaeng nasaktanWhere stories live. Discover now