Isang PAALAM

6 0 0
                                    

Habang nakatingin sa kalangitan
Isang tanong ang namutawi sa aking isipan
Anong nangyari? Akala ko ba tayo ay lalaban
Isang paalam ay kay dali mong binitawan.

Umasa akong ikaw na
Pero katulad ka rin pala nila
Bubuuin ang aking tiwala
Sa huli'y iiwanan mo pala

Pakibulong mo naman sa aking isipan
Pagibig mo ba ay nasaan?
Minsan ba talaga itong naging sa akin
O sinabi mo lang para akoy hindi masaktan.

Mahal, Gusto ko lang iyong malaman
Sa sandaling iyon hindi mo lamang ako nasaktan
Napasaya mo ako sa loob ng dalawang buwan
Pero ang katapusan pala nito ay paalam.

☹️

-March 18,2020

Tula ng babaeng nasaktanWhere stories live. Discover now