TAMA NA

10 1 0
                                    

Tama na, sobra na
Nagmamahal ka sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba
Umaasa ka na may kapupuntahan ang katangahan mo kahit wala naman talaga
Hanggang kailan ka mananatiling aasa sa taong hindi ka mahalaga

Hindi ka mahalaga pampalipas oras ka lang niya
Akala mo sa saglit na kamustahan mahalaga ka na
Hindi, dahil ang tunay na mahalaga para sakanya ay hindi ikaw kundi siya! Yung tunay na mahal niya

Umaasa ka na isang araw baka magbago ikot ng mundo
Yung dating siya baka maging ako
Ano bang mali sa sarili ko
Palagi nalang akong nananatili sa hindi ako gusto

Hanggang kailan ba ako magiging ganito
Walang gustong pumili sa isang katulad ko
Hindi makita ang halaga ko
Kaya hinahanap ang pagmamahal sa ibang tao

Sana matauhan na ang puso ko
Hindi sapat na mahal mo ang tao
Lalo pa kung ang mahal non ay hindi ako
Tama na sobra na
Ihinto mo na ito

Pero laging tanong ay paano?
Takot mawalan ang babaeng katulad ko
Ayokong mawala ka pero mas ayoko mawala ang sarili ko
Paano bumitaw sayo

Sabihin mo nalang TAPOS NA TAYO

-July 20,2020

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula ng babaeng nasaktanWhere stories live. Discover now