"Lab u daw."

3 0 0
                                    


Angelize point of view

"Lab u daw." Kumunot ang noo ko sa kaibigan kong si Elize. "Sino nag-sabi?" Tanong ko sa kanya.

Kumibit balikat sya at dinuro ang isang babae na di kalayuan samin. "Sabi nya sakin, paki-sabi kay Angelize, Lab u daw." Sagot nya.

Lalong kumunot ang noo ko. "Ibig-sabihin hindi galing sa kanya ang; Lab u daw?" Tanong ko pa. Agad syang tumango at nag-lakad na.

Sumunod ako at umiling nalamang. Madami talagang mahilig mantrip ngayon. Napa-ngiti ako ng malapad ng makita ang crush ko sa classroom na si Xab. Noon palang, crush ko na sya.

He's too perfect, kaya naman halos lahat kasama na ako ay nagkaka-gusto sa kanya. He's kind, gentleman, Friendly, matured and handsome. He loves playing guitar.

Araw-araw syang tumutugtog dito sa classroom namin. "Xab, play again, please?" Rinig kong pakiusap ni Fraile. Sya ang laging kasama ni Xab, araw araw yan.

Kaya halos lahat din ay iniisip na, in relationship sila. Pero, Wala naman silang sinasabi about sa kanilang dalawa. Kung meron man, it's fine. Sila na ang bahala.

"Okay, Fraile. Because it's you." Sagot ni Xab habang naka-ngiti kay Fraile. See, they're really look like a couple. Magka-tabi pa sila.

Nanliit ang mga mata ni Fraile dahil sa kaka-ngiti nya ng malapad. I'm not angry. Hindi ako galit sa kanya dahil sya ang pinaka-close na babae kay Xab.

Pero masasabing kong naiinggit ako ng di gaano. Well, ganon naman talaga diba? Nanatiling kay Xab lang ang tingin ng lahat pati na rin ang kaibigan kong si Elize. Seatmate kami, by the way.

***

"Grabe, lalong nagiging gwapo si Xab kada araw, Angelize!" Napa-ngiti nalang ako sa sinabi ni Elize. Totoo naman. "Anong kakainin mo nga pala?" Tanong nya sakin.

Kumibit balikat lang ako. "Tingin nalang tayo doon." Sagot ko at nginuso ang direksyon sa mga tindang pagkain. Tumango sya.

Pumila na rin kami agad. "Really Xab? You're ridiculous!" Napa-lingon kami ni Elize sa likod namin ng marinig ang boses ni Fraile.

Kasama nya si Xab, they're laughing so loud. Bagay nga sila. Nakakapit din si Fraile sa braso ni Xab habang nakangiti ng malapad.

Umiwas na ako ng tingin. "Sa tingin mo Angelize, are they dating?" Tanong ni Elize habang taimtim na tinitignan yung dalawa.

Kumibit balikat ako at tinignan na ang mga pagkain. "Who knows, Elize?" Sabi ko nalamang sa kanya.

Matapos namin bumili ng makakain ay naupo na kami sa bakanteng upuan. "Let's eat." Sabi ni Elize at sinimulan kumain. Kumain na rin ako dahil gutom na talaga ako kanina pang umaga.

"Uhh, Angelize?" Nilingon ko ang tumawag sakin. Hindi ko sya kilala sa totoo lang. "Yes po?" Sabi ko.

Lalaki sya at di ko alam kung bakit hindi sya mapakali. "Are you okay? Hindi ka mapakali dyan." Sabi ko habang naka kunot noo.

Bumugtong hininga sya. "Lab u daw." Seryosong sabi nya. "Hep! Hep! Kung gusto mo 'tong kaibigan ko. Deretsuhin mo na." Singit ni Elize habang nakangisi.

Umiling yung lalaki at tinignan si Elize. "Wala akong gusto sa kaibigan mo, I mean oo meron, crush lang naman," Sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ba nya alam na umamin sya? "Oh, diba. Gusto mo naman pala yung kaibigan ko e." Sabi ni Elize.

Umiling ulit yung lalaki. "Basta, napag-utusan lang ako. Wag daw sabihin. At for your information, may nililigawan na ako." Saad nya.

Nilingon ko si Elize na naka-nganga ngayon dahil sa sabi ng lalaki. "How dare he! What the hell?" Pikon na tugon nya.

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon