"Englishero!"

1 0 0
                                    


Linzy point of view

"Stop! What the hell!" Sigaw sakin ni Luis. Nginisian ko lang sya at pinagpatuloy ang pagkiskis ng chalk sa board namin.

Tumayo na sya at inagaw sakin ang chalk saka binato sa table ni sir. "You're crazy!" Sigaw pa nya. Tinawanan ko lang sya.

"Mas baliw ka!" Sigaw ko pabalik. At 'tong lalaki 'to, ay si Luis. Kababata ko sya. Nakilala ko sya sa tapat ng bahay namin kasama ang driver nya noon, bata pa kami.

Galing sya sa US, halata naman. Dahil english speaking. Purong pinoy yan, doon lang lumaki. Nakakaintindi naman sya ng tagalog, at ganon din sakin.

Pero, tagalog ako magsalita. Sya naman ay english. "Why the hell you always do that?!" Inis na tanong nya sakin. Ngumiti ako.

"Para inisin ka malamang." Sagot ako naupo. Tumabi na rin naman sya sakin. "Your really a crazy girl."

Napangisi ako ng marinig iyon sa kanya. Sanay na ako sa pagsabi nya ng 'crazy girl' sakin. "Shh, ka nalang Luis." Sabi ko sa kanya.

***

"Let's eat up, I'm hungry." Yaya nya at hinawakan ang kamay ko. Lagi naman kaming ganito. Friendly gesture na namin.

"What do you want?" Tanong nya habang nakatingin sa mga tindang pagkain. "Yung gusto mo na rin." Sagot ko at naghintay nalang.

Matapos makabili ng makakain ay naupo na kami sa usual table namin at hinintay yung dalawa pa namin loko at lokang kaibigan.

Si Rian at Fire, magjowa ang dalawang iyon. Maya maya pa ay nakita ko na silang patungo sa kinauupuan namin ni Luis.

"Hey, what's up Luis?" Bungad ni Fire at naupo sa tapat namin katabi nya si Rian. "I'm fine, and Linzy still, bothering me." Sagot nya at tinawanan lang sya ni Fire.

"Be used to it, Luis." Sabi ni Rian na tinanguan ni Luis, "Of course, I will be used to it. It's Linzy so yeah." Sagot nya kaya tinignan ko sya. Tss, edi sya na pinakagwapo.

"Alright, see you guys later." Paalam ni Fire at hinawakan ang kamay ni Rian. Umirap ako. "Tigilan mo kaka-English, tsk." Sabi ko sa kanya.

"Ewan, Linzy. Bye!" Sagot nya at hinarap na palayo si Rian na kumakaway din samin. Naramdaman ko ang kamay ni Luis sa kamay ko.

"Let's get to class." Tumango lang ako at naglakad na kami patungong classroom. Yung kamay nya, Ang sarap hawakan dahil sa init na binibigay nito.

Warm, kumbaga.

Pagdating sa klase ay naupo din kami at hinintay si Prof. Di naman nagtagal ay dumating na rin si Prof at nagturo samin lahat.

***

"I sent you home." Sabi nya at kinuha ang bag ko. Lagi naman syang ganyan kahit lagi ko syang iniinis at inaasar. Tumango ako.

Tahimik kaming naglalakad papuntang bahay. Hawak nya muli ang kamay ko. Mas okay na 'to, komportable ako sa kanya.

Tumigil kami sa tapat ng gate namin. "I get you too tommorow, wait me inside, I will click the doorbell. Okay?" Sabi nya.

"Okay okay." Sagot ko at kinuha na sa kanya ang bag ko. Tinaasan ko sya ng kilay ng mapansin na nakatingin pa rin sya sakin.

"Ano?" Tanong ko, "N-Nothing, I go now. Bye." Sagot nya at kumaway. Kumaway nalang din ako. Problema nun? Weird nya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ay napa taas na naman ang kilay ko ng makitang nakangiti ang magulang ko at nakangisi si Ate at Kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon