"Edi dun ka nalang, tss."

1 0 0
                                    


Part 1; Edi dun ka nalang, tss.

Scarlet point of view

"Saan ka na naman galing?" Inis na tanong ni Vernon sakin. Vernon, he's a like a brother of mine, or not, tsk.

Hindi ko alam kung parang kapatid ko sya o kaibigan na laging galit sakin. Ewan ko dyan, psh. "Sa NBS malamang, saan pa ba?" Sagot ko sa kanya at umirap.

Madalas yan nasa bahay namin. Sabi ni mom bestfriend nya ang mom ni Vernon. Kaya boom! Mag-bestfriend na rin kami ni Vernon.

Close naman talaga Kami ni Vernon dahil childhood friends na kami. Kaso, Ewan ko ba't laging galit na sakin yan. Kailan ba nag-simula yun? Last last month?

Ewan.

"Edi dun ka nalang, tss." Yan, yan salita na yan. Bwisit Lagi nyang sinasabi yan kapag may pinupuntahan ako or so what.

"Yan ka na naman sa salitang yan, tss." Inis na sagot ko at dumeretso na sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Aayusin ko lang 'tong mga binili kong bagong libro.

Nakangiti lang ako ng malapad habang sinasalansan ang mga libro kong bago. Yiee! Naeexcite na akong mabasa 'tong boyfriend corp by author; IAMKITTEN.

Isa sa favorite author ko si Iamkitten. "Scarelet, aalis na ko." Rinig kong sabi ni Vernon sa labas.

"Then go." Sagot ko at umirap. Lagi na rin umiinit ang ulo ko dahil sa kanya. Galit sya sakin so, galit din ako sa kanya. Fair na.

Narinig ko ang pagkatok nya. "Hindi mo ba ako mamimiss?" Tanong nya. Alam kong pumasok na sya sa kwarto ko dahil rinig na rinig ko na ang boses nya.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. "Ba't naman kita mamimiss? Gusto ko ngang umalis ka." Halos pabulong kong sinabi ang huli.

"Sige, aalis na ko." Paalam nya at narinig ko ang pagsara ulit ng pinto ng kwarto ko. Good. Kinuha ko ang cellphone ko at nahiga.

Titignan ko lang naman yung instagram ko. Nothing interesting. Binaba ko ang cellphone ko sa kama at bumaba sa sala.

"Mom," Tawag ko at naupo sa tabi nya. Nanonood sya ng movie sa t.v. Ewan ko kung anong movie.

"Oh Scarlet?"

"Si Vernon, umalis na ba mom?" Tanong ko. Tumango lang sya sakin habang nanatiling nakatingin sa t.v. Okay.

Saan naman nagpunta yun? Di ko rin kasi tinanong. Nakakainis kasi sya. Pataasan na rin ng pride no.

***

"Let's go." Sumakay na ako sa passenger seat ng kotse ni Vernon. "Saan ka nagpunta kahapon?" Tanong ko at nilingon sya.

He didn't answer. "Fine, I won't ask you, tsk." Inis na sabi ko. Hanggang sa marating na namin ang school ay wala syang sagot.

Pataasan na talaga ng pride 'to. Dumating na rin ako sa classroom. Nauunang maglakad ako kay Vernon. Naupo ako agad.

"Scarlet." I smiled hearing his voice, Walter. Well, aaminin kong crush ko sya at close naman kami. Nilingon ko sya at ngumiti.

"Walter?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti lang din sya sakin at nilahad ang kamay nya. Hahawakan ko na sana;

"Pahiram ballpen," Ay. Kala ko kung ano. Kumuha din ako agad ng ballpen sa bag ko at inabot sa kanya. "Thanks." Smiling, he look away. I'm so into him, my god.

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon