"Bye na, Stranger."

1 0 0
                                    


Felicity point of view

Salamat at may load na ulit ako! Makaka-online na din! Paano ba naman kasi, iPhone 6 'tong cellphone ko. Tapos bihira lang maloadan. Bwisit, tsk.

Buti nalang at napilit ko si papa na loadan ako. 50 pesos lang ang load, Pero sapat na para maka-online in 3 days. Minsan nga hindi ko alam na may kailangan palang dalhin sa school, dahil sa cellphone kong 'to, Walang free data!

Yun din ang lagi kong dahilan kanila mama at papa, pero mukhang di naniniwala. Ang sabi nila; Dahilan mo lang yan para makaload ka. Meh, Oo nalang.

Nakangiting humiga ako sa kama ko. Sakto at sabado ngayon, Walang rin assignment o projects. Puro cellphone lang ako for sure.

"Let's see, Sino ba pwedeng kachat?" Tanong sa sarili habang nag-i-i-scroll sa messenger. Lahat naman ay online. Napangiti pa ako ng malapad ng makita ang pangalan ng crush ko, si Jaeden.

Pinindot ko ang profile nya. My gosh, nahihiya ako! Di ko alam kung paano sya i-cha-chat. Sabihin na natin, na magkaklase kami pero hindi sya close masyado sakin.

Tinapat ko ang daliri ko sa wave para isend sa kanya ngunit hindi natuloy ng may nag-chat sakin. Sino 'to? Agad ko syang pinindot at tinignan ang profile.

Stranger, ang nakalagay na name nya at yung profile nya blurred. Pero masasabi kong lalaki ang nasa profile. Hindi ko lang maaninang ng maayos dahil sa pagka-blurred.

Binasa ko ang chat nya.

Stranger: Felicity right?

Ewan ko ba pero, sinagot ko na rin. Kasi naman alam nyang sineen ko na. Bastos naman kung hindi ko sasagutin diba?

Felicity: yeah, and who's chatting?

Stranger: Stranger is my name, for now Felicity :)

Felicity: Okay, I won't force you. Pero bakit mo ako chinat?

Stranger: Nothing really, gusto ko lang may kachat

Felicity: Okay then, nood lang ako sa YouTube

Stranger: Okay, have some fun while watching

Felicity: Okay

***

Saturday and Sunday had pass, kachat ko pa rin si Stranger. Kung ano-ano lang ang pinaguusapan namin dalawa. Nalaman kong gusto nya ng kaibigan.

Handa rin naman ako maging kaibigan nya, kaya lagi na kaming magkachat. So, ngayon. Papunta na akong school. Kachat ko rin sya ngayon, papunta na rin daw sya sa school nya, chat nya sakin.

Stranger: Nandyan ka na mismo sa school mo?

Felicity: Yup, chat you later

Stranger: Okay, chat you too later

***

"Namiss kita best!" Bungad sakin ni Crisha pagpasok ko sa classroom. "Namiss din kita, psh." Sagot ko at palokong umirap.

"Hindi obvious, best. Ang sama mo sakin." Sabi nya at ngumuso. Napangiwi nalang ako dahil dun. "Maupo nalang tayo, best."

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon