"Patingin ng phone mo."

0 0 0
                                    


Jannah point of view

"Patingin ng phone mo." Sabay lahad ko ng kamay kay Nix. Kumunot ang noo nya sakin. "Ba't naman?" Tanong nya sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Ba't naman ayaw mo ibigay?" Tanong ko pabalik. Nix, is my boyfriend. 3 years na kami. Loyal sa isa't isa, kung mag-aaway man ay naaayos agad namin dalawa.

"Bakit kasi kailangan mo kunin?" Nakangusong tanong nya sakin. Lalo tumaas ang hinila ko na mag-tanong na naman sya.

"Are you even hiding something from me?" Tanong ko muli at nilahad an kamay ko sa kanya ulit. Bumugtong hininga sya.

Napansin kong bumilis ang pag-pindot nya sa screen ng phone nya. "May tinatago ka nga no?" Tanong ko at lalong nilapit ang kamay ko.

Napakagat sya sa ibabang labi nya at binigay na rin sakin ang phone nya. "Anong bang tinatago mo dito." Sabi ko habang tinitignan ang mga apps nya.

Tinignan ko ang recently apps nya, nanlaki ang mga mata ko sa nakita.  Pinindot ko ang google para maka-sigurado sa nakita ko. Tinignan ko sya ng gulat na gulat, I'm shock.

"N-Nix." Utal kong tawag sa kanya. Ngumiti sya sakin. "Well yeah, yan ang ayaw kong makita mo." Sabi nya sakin. I'm speechless.

Currently, puro singsing ang tinitignan nya sa google. "It's for the future, Jannah." Sabi nya sakin.

Hindi ko mapigilan na yakapin sya ng mahigpit. "Kala ko may iba kang tinatago sakin." Bulong ko. "Ba't naman ako mag-tatago sayo ng iba? Ikaw lang naman ang mahal ko, Jannah," Sabi nya.

"I love you so much, Jannah."

"I love you too so much, Nix."

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon