'Confession'
...
Pina cancel na buffet, nasirang mga gown, at nasirang venue. Lahat nangyari isang linggo bago ang importanteng araw ko. Nung una sinabi ko sa kanila na wag na lang ituloy. Maghanda na lang kami sa bahay. Pero gumawa sila ng paraan para matuloy.
Tumabi naman sa akin ang mga kaibigan ko dito sa rooftop "Cel, wag tumulala na naman diyan" sabi ni Chesca.
"You're looking at me na naman" ang cute niya nag salita na naman siya ng tagalog kahit konti.
"Ngumiti na siya" sabi ni Annie.
"Di ba kinausap na ni Tita yung Coordinator?" Tumango naman ako.
"Don't worry about that Noona, everything's going fine" Isa ka pa sa problema ko. Tumigil ka nga sa kaka Noona mo.
.....
"Ate Rissa, bantayan mo si Tom. Kapag inutusan ka ni Ate or Kuya wag mong sundin sabihin mo magagalit ako" sabi ko sa Yaya namin na matanda lang sa akin ng 2 years. Binibihisan ko si Tom kahit na ka gown na ako.
"Ang cute naman po ng aso niyo" sabi ng isang make up artist.
May bigla namang pumasok si Chesca at Annie na ka bihis na rin sila at ang gaganda nila. "Mas mahal pa nga niyang asong yan kesa sa amin" sabi ni madramang Chesca.
"Love ko kaya kayo" niyakap ko naman sila.
"Thank you" bulong ko.
"Bumababa na kayo, malapit ng magumpisa ang party" sabi ko. Nag retouch lang ako ng kaunti at hinintay ko na lang na tawagin ako ng emcee.
From:geomjeongsaek
"Happy Birthday my girl!!!"
"Just enjoy your day"
"You'll know me later"Sunod-sunod na text niya sa akin hindi ko ito nireplyan at maya-maya ay tinawag na ako ng emcee.
"Let's Welcome the birthday celebrant, Ms. Celine Martinez" nagpalakpakan naman ang lahat sa pag dating ko. Na sa garden ng hotel nila Chesca ginanap ang birthday ko dahil nga na cancel ang unang venue haggang ngayon hindi pa rin alam kung sino ang gumawa ng lahat na yun para sirain itong araw na ito.
"Before we start, let's take a look for this video" namatay ang lahat ng ilaw at biglang nag flash sa white screen ang mga baby picture namin ni Maurice. Haggang sa ako na lang yung na sa picture kasama sila Mama at Papa mga kaibigan ko. Pagtapos mag ng video may luha palang tumulo sa mata ko inabutan naman ako ng tissue.
Nagpatuloy ang flow ng party nag umpisa na mga 18 candles unang nagsalita si ate Megan "Bunso namin Happy Birthday sayo at kay Maurine in heaven. Ano pa bang sasabihin ko sayo na sabi ko na ata lahat? Basta kung ano man ang mangyare nandito lang ako" sabay ngiti at umupo na sumunod naman si Chesca.
"Hmm?" Napaisip naman siya. "Happy birthday Celeng, Celine. Kung ano man ang pangalan mo. Ikaw pa rin ang bestfriend kong minsan seryoso, minsan baliw. Hindi rin kita maintindihan minsan...." Nag tuloy-tuloy pa ang birthday wish o sermon ni Madre Chesca? Ang daming sinabi akala mo hindi kami nag-uusap araw-araw.
Natapos ang 18 bills at 18 wishes sumunod ay kumain na muna kami.
"Ate Rissa akin na muna si Tom kumain ka na muna" tumabi ako sa upuan kung na saan ang mga kaibigan ko.
"Gwapo natin ngayon ha" sabi ko kay Roger sabay gulo ng buhok niya, natawa naman si Annie na partner sila ng suot.
"Ikaw kaya yung maganda, hindi nga maalis yung tingin sayo nila Hyung" tiningnan ko naman sila pero umiwas sila pareho ng tingin yung isa kumain at yung isa kunwari may nag text sa kanya.
YOU ARE READING
Loving You is My Only Choice
Fiction généraleLoving You Series 1 Are you going to love her because it's the only choice? Are you going to sacrifice everything for the one you love? Celine Martinez is waiting for 7 years for her boy best friend Skyler to comeback and to express her true feeling...