♥Chapter 1 - Let's Start with This

71 3 0
                                    

      [ Kinakabahan ako. Sana magwork. Please support this story. Enjoy! ]

     ★Ado

Nagising ako sa tama ng nagniningning na sikat ng araw sa muka ko. " Aaaaggghhh " daing ko. Napabalikwas ako ng napaharap ako sa aking orasan. " Malelate na ako! " sigaw ko habang tumatayo. 6:38 na. Ilang minuto na lang at late na ako sa klase ko. Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Ngunit hindi kanais - nais ang sinapit ko. Nadulas ako at naumpog sa bowl. *BOOGG* " Aaaghhh. Araaayy! " sabi ko habang tumatayo at hawak ang parte ng ulo ko na naumpog. Pagtayo ko't paghakbang ay bigla naman akong nadapa. " Bakit ngayon pa?! Aray ko! " naituon ko ang siko ko sa lapag. " Ang sakit! " sambit ko habang umuupo ng may marinig akong halakhak sa pintuan.

" Bwuhahaha! HAHAHAHA! " halakhak nya ng pagkalakas-lakas. Si Mark. Kapatid ko.

" Bakit ka tumatawa? " tanong kong sarkastiko habang nakitingin ng masama sa kanya.

" Ikaw kase Kuya. Ang tanga - tanga mo. Hahaha! " sabi nya habang tumatawa pa rin.

" Hindi mo na ako ginalang " malungkot kong sabi.

Napahinto sya sa kanyang pagtawa. " Sorry na Kuya. Di na ako uulit. " sabi nya ng malungkot. " Bakit ba kase nagmamadali ka? " tanong nya.

" Malelate na kaya ako. Anong oras na oh. " mayabang ko pang sabi.

Tumawa na naman sya ng malakas. " Bakit ka na naman tumatawa? " nagtataka kong tanong gamit ang ganitong muka -_-’

" Ee Kuya, Sabado kaya ngayon. Wala namang pasok ee. Hahahaha! Halika na nga Kuya. Tumayo ka na jan at kakain na tayo. " at bumaba na.

Tumayo muna ako at humarap sa salamin. Isang poging nilalang ang nakita ko. Teka?! Magulo ang buhok. May muta sa mata at bakas ng panis na laway sa pisngi?! Pogi? Hayaan mo na nga. Nag toothbrush na ako at naghilamos bago kinuha ang salamin ko sa side table ng kama ko at bumaba para mag agahan.

" Good Morning Ma, Pa. " bati ko sa mga magulang ko. Sila nga pala ang parents ko. Si Maria at Ace Ona. Ang kapatid ko, si Mark. Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Christian Dominic Alvrez Ona. Ado for short. Kung bakit Ado? Mahabang storya. 16. Nakatira sa kalye Magpantay, lungsod ng Maynila. Hindi kami mayaman. Hindi din naman, isang kahid, isang tuka. Sapat lang.

" O anak. Halina at kakain na tayo. " aya ni Mama. Umupo na ako sa tabi ni Mama. Isang parisukat na lamesa lang ang kainan namin. Sapat lang para sa 6 na tao. Iniabot sa akin ni Mama ang sinangag.

" Anak. Ano yung kalabog na narinig namin kanina sa taas? " pagtatakang tanong ni Mama.

Bigla namang tumawa si Mark. " HAHAHAHA! Pano Ma, si Kuya. Shushunga - shunga. Haha. Nadulas at naumpog sa CR kanina. Hahaha! "

" Mama oh. Si Mark oh. Kanina pa yan " sumbong ko kay Mama. Ganito talaga ako. Mas malapit kasi ako kay Mama kesa kay Papa. Akmang babatukan ko na sana si Mark pero sinaway ako ni Papa.

" Nasa harapan ng hapagkainan. Gumalang naman " sabi ni Papa. Natigilan naman ako at kumain na.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na ng pinagkainan. Pagtapos ko ay dumeretcho ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. May ilang bumati ng ' Good Morning '. Pero ang G5, nag yayaya mag Mall. Gusto ko sumama. Nakakabored dito sa bahay.

' Sigee mga Dude. Sama ako ' reply ko at natulog na muna ulit. Masakit parin yung mga pasa ko. Chaka mamaya pa naman ang lakad namin ng barkada.

******

Nagising ako sa sobrang init. Tumingin ako sa orasan at mag aala una na ng hapon. Bumangon na ako at naligo. Pag tapos maligo ay nag toothbrush. Nag ayos ng buhok at nagabango. Yan, puge na ako. ;) Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

" Ma. Mag mamall lang kame ng mga kaibigan ko ha. " paalam ko kay Mama.

" O sige anak. Mag iingat ha. Hindi ka na ba kakain? " tanong nya.

" Doon na po. Sige Ma. Bye! " at humalik sa kanya.

Paglabas ko. Wala ang kotse. Di ko rin napansin ang Papa at Mark. Baka umalis.

Nag abang na ako ng masasakyan papunta ng mall.

Marami kaming ginawa.

Kumaen.

Naglaro.

Window Shopping.

" Tara na. Uwi na tayo. Anong oras na?! Baka pagalitan na ako sa amin. " sabi ni Dale.

" Oo nga. Tara na. Madilim na oh. " sabi ni Xtian habang nakatingin sa relo.

" Sigee " tangi kong nasabi at isa - isa ng sumibat.

Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay may bumunggo sa aking babae. Umiiyak. Umiiyak?! Bakit sya umiiyak? Gulo - gulo ang buhok at guri guri ang damit. May mga nakita akong marka ng pasa sa mga braso at binti nya. Ganyundin ang bakas ng sugat nya sa may bandang leeg at hita. May tattoo din sya sa mga hita at braso nya. Pati sa wrist nya. ' Anong klaseng babae 'to ' bulong ko sa sarili ko.  Sa tingin ko ay kasing edad ko sya at hanggang balikat ko ang taas nya. Hindi ko naaninagan ang muka nya sa dilim ng paligid at sa sabog - sabog nyang buhok na nakaharang sa mukha nya. Halatang sinasaktan sya. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo at unti - unti syang nawala at kinain ng dilim..

♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠

Boom! Sabog utak ko.

Ang pangit ata.

Bawi ako second chapter.

Please. Do some Votes and Comments. Thanks.

N/P : I'm not a writer so don't expect. Salsalmat ;)

Second Chances are not in my DictionaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon