♥Chapter 3 - Her story

49 2 0
                                    

     [ Si Girl naman. HAHAHA! Support lang guyth :33 ]

     ★Xyla

" Aray! " nahagip na naman ako ng tatay ko. Shempre, tumatama na naman ang walang katapusang hampas nya sakin.

" Tama na po Tay! " umiyak na ako sa sobrang sakit. Hinawakan nya ako sa damit at pinunit - punit iyon.

Nang nagkaroon ako ng tyansa para tumakbo ay hindi ko na sinayang iyon. Tumatakbo ako habang umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan na lamang siguro ako dalhin ng aking paa.

Habang tumatakbo ay narinig ko ang isang boses. Bumilis ang takbo ng dibdib ko. Binilisan ko ang aking pagtakbo. Alam ko kung kaninanong boses iyon. Sa aking ama.

" Hoy! At may balak ka pang tumakas ha. " sigaw nya sakin. Lalo kong binilisan ang aking takbo upang hindi nya ako maabutan nang may nabangga ako lalaki. Wala na akong pakialam. Madilim ang paligid at hindi ko na naaaninag sa Tatay.

Nang alam ko na hindi nya ako nasundan ay tumigil muna ako sa isang waiting shed. Umiiyak sa isang gilid.

Habang ako ay nasa kalagitnaan ng aking paghikbi ay narinig ko ang isang boses na muling nagpakaba sa akin. Si Tatay. Pagod na ako tumakbo. Bigla na lang syang sumulpot sa likod ko at hinawakan sa damit. Kinaladkad nya ako papunta sa lugar na hindi ko alam. Wala akong ideya.

" Tay. Saan nyo po ako dadalhin? " sabi ko. Hindi sya sumagot hanggang sa makarating kame sa isang lugar na pamilyar para sa mga lalaki.

' Bar? ' bulong ko. Bakit sa bar?! Anong ginagawa namin dito.

Hawak pa rin ako ni Tatay at dumeretcho sa likod ng bar. Sa likod ng bar ay may naghihintay na babae.

" O Babes. Yan na ba yung sinasabi mo? " sabi nung babae. Bakit Babes ang tawag nya kay tatay? " Oo Babes. " maikling tugon ng aking ama.

May itchura ang aming ama. Maputi at malaki ang katawan. Wala naman akong ina. Iniwan daw kami ni Tatay na tuluyang nagpabaliw sa kanya.

May tinawag ang babae. " Cheche, Thelma. Kunin nyo tong babae na 'to. Paliguan at bihisan. Isasalang natin yan " at naghalikan na sila ng Tatay ko.

May lumabas na dalawang dalagita at inalalayan ako tumayo. " Saan ninyo ako dadalhin? " pagtataka kong tanong. Hindi sila sumagot.

Pag pasok namin sa loob ay may malaking kwarto na puno ng mga sapatos at damit. Dumercho kami sa banyo at pinaliguan ako.

" Ako si Cheche. " sabi nung isa na nakangiti. " At ako naman si Thelma " sabi naman nung isa. " Nagtatrabaho kame dito sa bar. Minsan waitress, minsan dancer, minsan naman ulam na inoorder ng mga kostumer. " sabi ni Cheche. " Sa madaling salita, japoks kame. Pokpok. Nagbebenta ng katawan " tinapos na nila ang pagligo saken at binihisan na.

" Bakit may mga sugat ka? Teka, gagamutin natin yan. " ani Thelma at may kinuhang box. Habang nagbibihis ay tinanong ko si Cheche. " Bakit ka nadito? Bakit ito yung napili mong trabaho? Bakit di ka nag aaral? Asan ang mga magulang mo? " sunod sunod kong tanong.

" Ang dami mo namang bakit? Di ko pa nga nasasagot yung question number 1. May question number 2 ka na kaagad at may 3 and 4 pa. " nakakatawa nyang sagot.

" Nadito kame kase wala na kameng alam na pwedeng trabaho. Di kame nakapag aral kase wala kaming pera. Pareho kaming galibg probinsya. Nag bakasakali sa Maynila. " bigkas ni Thelma at biglang sumulpot sa gilid ko. May dala syang first aid kit.

" At eto ang napala " sunod na sabi ni Cheche. " Welcome to the Club! " nakangiti nilang sabi at take note. Sabay pa sila. Nakakatuwa sila. Mukang makakasundo ko 'tong dalawang 'to aa.

♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠

Hanggang dito na lang muna.

Update will be soon.

Support. Support. Support.

Vote. Comment. Share.

-nilaalabs1114

Second Chances are not in my DictionaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon