[ Paano na nga ba pag nagkakilala na sila. Wohoo! Shems ;) ]
[ Keep on voting, sharing, and commenting ;) Salamat sa support ;) ]
★ Ado
Curious pa rin ako sa bago naming kaklase. Tahimik sya. Walang imik. At curious pa rin ako sa tattoo nya. Bakit sya may tattoo? Alam ko pinagbabawal yun dito ee. Nagkakasama kame bilang member sa aming mga group activities at napapadalas ang pag sulyap ko sa kanya.
" Hoy Ado. Ikaw ha. Napapansin kong napapadalas ang pagtingin mo dyan sa Xyla na yan ha. Ikaw ha. " kantyaw ni Kim ng pabulong. G5 yan.
" Yieee. Ikaw ha.. Gusto mo sya no? " dagdag ni Carlo. G5 din yan. Nyemas na mga kaibigan 'to aa -_-
" Mga malisyoso. Mga baliw ba kayo? Paano ko magugustuhan yan? Di ko pa nga nakikita yung muka nya ee " bulyaw ko sa dalawa. Masyadong malisyoso ang mga ugok. Totoo naman, di ko pa nakikita ang pagmumuka non.
" Excuse me Mr. Ona but i knew you were here at the class and i don't know why are you shouting? Is there any problem? " malumanay na sabi ni Mrs. Malijan. Science teacher namin. Shiits. Kase 'tong dalawang 'to ee.
" Aahmm. No Ma'am. Sorry for the disturbance " sagot ko na lang at tumingin sa dalawang ugok nang nanlilisik ang mata habang tumatawa naman sila. Hinayaan ko na lang.
Natapos na ang klase sa araw na 'to. Nakakapagod. Gusto ko ng umuwi at matulog. Tutal, tanghalian pa lang naman. Half day lang sched namin.
Habang naglalakad ako ay may tumawag saken. " Ado. Adooooo " sigaw ng isang babae sa mula sa malayo. Parang si Perry yun aa. May kasama sya. Parang kilala ko din yun ee. Nagmamadali silang lumapit sa akin.
" Hoyy Ado. May papakilala ako sa'yo. Si Xyla. Pinsan ko " masigla nyang sabi.
" Kilala ko sya. Kaklase ko sya. Hindi mo ba alam? " sabi ko ng nakangiti ;)
Nakita kong may sinabi si Xyla kay Perry. Hindi ko narinig. Mahina mashado.
" Aa. Ganun ba? Sorry. " sabi nya. " Magsabay na lang kayo sa paguwi, tutal, pareho lang naman kayo ng compound ee " sabi na ulit ng natutuwa.
" Aa ganun ba? Edi maganda." sabi ko. Maganda? Bakit maganda? Di ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko yun. Aaaahh. Hayaan na nga.
" Oh tara na. " pag aya ko. Sumunod naman sya. Habang naglalakad ako at nasa likod ko naman sya, may nakita akong nagtutumpukan na estudyante. May nagsusuntukan, hindi na bago yun. Sa kabila naman, meron din. May nagtitinda ng proven at calamares. Marami kang makikita dito sa lugar namen.
" Uhhmmm. Pwede mag tanong? " narinig kong may nagsalita sa likod ko. Ayy oo nga pala. May kasama nga pala ako. Shit.
" Ano yun? " nakangiti kong tanong.
" Wala pala. Wala-wala. Sigee " nasabi nya yun ng hindi tumitingin saken. Hinayaan ko na lang.
Nang makarating kame sa sakayan. Sumakay na agad kame sa dami ng pila. Pagbaba namin sa tapat ng compound, tinanong ko sya.
" Saan ka dito? Parang ngayon lang kase kita nakita dito ee. "
" Taga doon, pag lampas sa kanto, liliko ka sa kanan. Yung pangatlong bahay sa gawing kaliwa. " sabi nya.
" Aa. Gusto mo ihatid na kita? " pag alok ko.
" Wag na kaya ko na. Chaka nakakaistorbo na ata ako " pagtanggi nya.
" Sigurado ka? " tanong ko.
" Oo. Salamat " yun lang at naghiwalay na kame ng landas.
' Ang borring nya kausap ' bulong ko sa sarili ko at dumeretcho na sa paglakad.
Pagdating ko sa bahay. Walang tao. May pagkain naman pero mamaya na siguro ako kakain. Busog pa naman ako ee.
Umakyat muna ako at nagbihis chaka inihagis ang katawan ko sa kama. At unti-unting nakatulog.
♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠
Sorry. Ang pangit neto.
Bawi ako sa susunod.
Votes, Comment, Share. Salamat.
-nilaalabs1114