walang araw na hindi ako masaya nitong mga nakaraan na araw
akala ko wala ng darating na swerte sa buhay ko! na traffic lang pala
laking pasasalamat ko sa mga nangyayare ngayon dahil mas lalo akong pinapa tatag ng bawat araw
"Shiella tara na sa trabaho!" Pag aya sa'kin ni wryziel
"Sige tara na!" Sagot ko
"Ano hindi mo na talaga dadalhin motor mo?" tanong ni wryziel sa'kin
"Ihahatid naman ako ni hayden eh kaya okay lang!" Sabi ko
"Nako shiella ah nagiging mabait ka na , hindi na kita nakikilala"
"Ulol maganda kasi takbo ng bawat araw ko ngayon kaya hindi ko nilalabas yung demonyo sa katawan ko" Sabi ko dito at sinuot na ang helmet
pinaandar ng mabilis ni wryziel ang
motor kaya naman ilang minuto palang ay naka rating na kami sa mall at pumasok na sa coffee shopbinuksan ko ang pinto at nakitang tahimik ang coffee shop
bakit parang nakaka panibago naman na ang tahimik nila at wala man lang bumati sa'min ni wryziel
"Anyare bakit ganto atmosphere?" kuryosong tanong sa'kin ni wryziel
"Hindi ko rin alam , hayaan nalang natin baka busy lang!" sabi ko dito at nag ayos na kami para maka pag trabaho na
buong umaga ganon nga ang nangyayare tahimik sa trabaho at walang imik lahat , lunch na at pumasok na kami sa opisina ni sheineia katulad ng dati dahil doon kami nag la lunch at ayon na ang naka sanayan
pag pasok namin naroon na sina jeff at aaron pero wala si hayden. nasaan naman yon? baka busy sa trabaho
"Oh andito na pala sila shiella eh tara mag umpisa na tayo!!" nakangiting sabi ni aaron
"Nasan si hayden??'' kuryosong tanong ko dahil nabigla ako , hindi ako sanay na wala ang mokong na yon
"Ah busy meron kasing vip na pasyente yung anak ni senator kaya ayon nirequest na siya ang mag opera!" Sabi naman ni aaron
bakit hindi niya sinabi sakin?
siguro biglaan lang kaya ganon!"Teka aaron napapadalas ata ang pag punta mo dito ah!?!" tanong ni wryziel
"Hmm siyempre nandito ang girlfriend ko??" sabi nito samin
"Woah woah iba rin manang mana sa SSOB" nakatawang sabi ni jeff
"Sus mahina ka lang kasi jeff hanggang ngayon hindi mo mapormahan si wryziel!!" pang aasar naman ni sheineia
biglang yumuko si jeff at nag astang nalulungkot kahit hindi naman
"Jeff haha kailan kasi birthday mo?" tanong ni wryziel
"Ay nakaka tampo ka nakalimutan mo!!" nakangusong sabi ni jeff
"Okay bala ka" pang aasar naman ni wryziel sa manliligaw
HAHAHAHAHAHAHS alam ko na kung saan toh paparating
~flashback~
"Shiella paano ko sasagutin si jeff??"
"Wow ang bilis ah!!"
BINABASA MO ANG
Way back into love (Trilogy 1)
RomanceSi shiella katarina ay isang simpleng dalaga na nawalan ng mga mahal sa buhay , nag hahari ang problema at kahirapan sa kaniyang mundo. Ngunit darating si hayden luca , isang doctor na mag bibigay buhay at kulay sa kaniyang nawawalang mundo. Paano k...