"Shiella bumangon kana diyan malelate na tayo sa klase oh!" Sigaw sakin ng aking kaibigan
"Saglit lang kasi inaantok pako oh!" Tamad na tamad kong sagot
"Haynako ayaw mo ah KATARINA KATARINA KATARINA"pang aasar niya pa sa'kin
"Oo na jusko!! Tatayo nanga ako 'diba" padabog kong sabi
"Ayan maayos ka naman palang kausap eh" nakangisi niyang sabi sa'kin
tumayo na ako ng kama at kinuha ang suklay para mag ayos muna ng buhok bago maligo
"Bakit ba ang aga mo carly ah!" Tanong ko sakaniya
"Wala lang masaya ang buhay eh kaya kailangan nating umpisahan agad ang umaga!" Nakangiti niyang sabi sakin
minsan talaga kung titignan mo si carly parang wala siyang naging problema para bang nakaayon lahat ng swerte sa buhay niya
"O sige na maligo nako" tumayo ako para kuhanin ang aking twalya at dumiretso na ng banyo
Kinuha ko ang aking cellphone at nag pa tugtog ng aking paboritong kanta
(Tulak ng bibig , kabig ng dibdib)
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito?Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip...
Tulog sa gabi, laman ng panaginip...
Mahal ba kita? o ano...? ewan ko!
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Simula nang makilala di maipinta,
Ngiti sa mata!
Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan...'Di ko maintindihan, bakit ngayon lang,
Kung kelan ang puso ko ay maselan?
Hindi mo lang alam,
Takot lang akong masaktan.
Iniingatan lang aking puso.
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,'Di na sana tayo nagkakaganito.
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo.Natapos na akong maligo at nag toothbrush narin. Lumabas na ako ng banyong naka ayos na at ba baba nalamang para sa almusal
"Shiella magaling ka palang kumanta?" Kuryosong tanong ni carly.
pinuntahan ko siya at hinawakan ang leeg iniisip kong may sakit ba siya
"Wala ka namang sakit ah! pero bakit ganiyan ka magsalita?" Pang aasar na tanong ko sakaniya
"Gaga narinig kita habang naliligo feel na feel mopa yung kanta ah!!" Nang aasar niyang tugon sa'kin
bumaba na kami at umupo na sa lamesa
"Oh shiella at carly kumain na kayo at baka malate pa kayo!" Ani papa
"Opo tito paborito ko talaga ang almusal natin ngayon!" Nakangiting sabi ni carly
"Haynakong bata ka kaya gusto kita eh! Minsan lang mag ka roon ng kaibigan yang anak ko maswerte siyang katulad mo!" Ani papa kay carly
"Nako tito lalake niyan ulo ko eh" nakatawang sabi ni carly
Para na talaga kaming pamilya dito kasama si carly. Nag iipon na siya para makuha ang kaniyang kapatid sa mga kamag anak nila , pumayag naman si papa na alagaan narin namin ang kapatid niyang si eia tutal magiging mag kasundo rin sila ni rianne dahil pareho lamang sila ng edad
BINABASA MO ANG
Way back into love (Trilogy 1)
RomanceSi shiella katarina ay isang simpleng dalaga na nawalan ng mga mahal sa buhay , nag hahari ang problema at kahirapan sa kaniyang mundo. Ngunit darating si hayden luca , isang doctor na mag bibigay buhay at kulay sa kaniyang nawawalang mundo. Paano k...