isang linggo na ang naka lipas simula noong birthday ni ma'am sheineia . Naging mag ka kaibigan kami , masaya naman maging kaibigan sila pero mas gusto ko parin na kaming dalawa lang ni wryziel. Ayaw ko na ng iba pa dahil sapat na siya. Linggo ngayon at day off namin niyaya ko manood ng sine si wryziel pero may lakad daw silang pamilya. Naisip ko manood ng sine para man lang mawala ang stress ko , hindi naman siguro masama kung gagastos ako ng kaonti para sa aking sarili hindi ba.
Tumayo na ako ng kama at pumunta sa banyo. Kinuha ko ang twalya at isinabit iyon , nagsimula na akong maligo at pagkatapos non ay nag toothbrush na ako. Pumunta ako sa harap cabinet ko naisip ko na kahit isang araw lang gusto ko mag suot ng damit katulad ng mga sinusuot ko noon , hindi naman ako nahihiya sa figuro ko pero simula noong nagbago na ang estado namin sa buhay ayaw ko na ng iba , gusto ko lang maluwag na damit at jeans pero ngayon kumuha ako ng isang itim na short at maluwag na puting damit na meroon namang disenyo.
Bumaba ako sa sala at nakita ko ang aking nanay at kapatid na kumakain ng agahan. Ibang klase na talaga kapatid ko natututo na at nakakataba ng puso iyon dahil nababawasan na ang mga problema ko.
"Ate shiella san punta? Ganda natin ngayon ah" pang aasar ni rianne sa'kin
"Manood sine sama ka?"
"Ay wow tama yan ate mag libang ka naman ang boring ng buhay mo eh"
"Ano ayaw mo??"
"Wag na ikaw nalang dagdag gastos pa kapag sumama ako"
Tinanguan ko na lamang siya at lalabas na sana ng bahay ngunit hinila ako rianne
"Ate ang putla mo" Naglagay sya ng liptint sa aking pisnge at labi para raw mag mukha naman akong tao
"Perfect!!!" Sigaw nito habang nakangiting nakatingin sa akin
Tumingin ako sa salamin bago umalis. Ang ganda ko nga ngayon bagay sa akin yong maluwag na puting damit na naka tucked in sa black shorts na mayroong puti na belt at white stansmith na sapatos , dagdag pa na
Inayos ni rianne ang mukha ko wow lang pero siyempre mukha paring tomboyLumabas na ako at pumunta sa aking motor , sumakay ako at dumiretso na sa mall. Pagkababa ko palang ng motor pinagtitinginan nako ng nga tao sabagay nga naman naka short ako tapos nag momotor ang cood di ba mas gusto ko na kasing tawagin ako na astig kaysa maganda wala lang ang cool lang hahahaha
nauna akong pumunta sa mumurahing kainan , kakain muna ako bago manood ng sine para hindi na ako siyempre kumain pa sa loob dahil dagdag gastos lang iyon , lumapit na ang waitress at tinanong kung ano ang kakainin ko
"Chicken fillet with rice nalang miss" Duh ayoko gumastos ng malake haha yun yung nakita ko na pinaka mura kaya ayon nalang
hiniga ko ang ulo ko sa lamesa gusto ko muna matulog saglit dahil inaantok ako bakit ba pakelam ko sa makakita saakin eh inaantok ako eh
"Shiella?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa tabi ko at kinakalabit ako habang naka higa
iniangat ko ang ulo ko at nagulat sa presensya ni sir hayden sa tabi ko
"Po?" Tipid kong sagot tsk bakit ba andito toh nageenjoy ako oh
"Can i join you?" Tanong nito sa akin
Punyeta ayaw ko nga , ano ba yan leche naman solo date ko toh tas sa sama siya sakin . Wala naman sigurong masama kung ngayong lang diba hayss jusko naman ang malas ko
BINABASA MO ANG
Way back into love (Trilogy 1)
RomanceSi shiella katarina ay isang simpleng dalaga na nawalan ng mga mahal sa buhay , nag hahari ang problema at kahirapan sa kaniyang mundo. Ngunit darating si hayden luca , isang doctor na mag bibigay buhay at kulay sa kaniyang nawawalang mundo. Paano k...