17 It's okay that's love

472 14 0
                                    

hindi ako makatulog buong gabi dahil inaalala ko ang halik na iginawad niya sa'kin. hindi ko maiwasan ang mapa ngiti sa nangyare

Siguro nga sa ngayon hindi na ako mag papadala sa pagiging overthinker ko. Hindi ko na muna iisipin ang mga bagay na mag pa pa lungkot lamang sa'kin dahil napaka saya ng buhay kung aalisin mo ang negativity sa utak at mas pagtotoonan ng pansin ang positivity




sa isang buong linggo pareho lang ang nangyayare mag ta trabaho kami ni wryziel sa coffee shop tapos ihahatid ako pauwi ni hayden. Namimiss ko tuloy ang motor ko dahil palagi nalamang hindi na gagamit





Sabado ngayon at napag desisyonan namin ni wryziel na mag overnight dahil matagal narin kaming hindi na ka kapag bonding na kami lang dalawa. Bumaba ako sa kusina para mag luto na ng aming dinner , hindi ako nakapamalengke ngayong araw kaya nag luto nalang ako ng itlog , hotdog at tuyo na ipapares namin sa kamatis at toyo




"Nako shiella bakit naman lahat ng favorite ko ang niluto mo!! Mapapadami ang kain ko niyan eh!!" nakangising sabi ni wryziel. Halatang halata sakaniya ang katakaman



"Edi wag kang kumain" sabi ko para inisin siya




"Belat kakain parin ako!!" sabi nito at nag sandok na ng kanin




"Wow ate ah akala ko breakfast ang kakainin natin dahil sa mga luto mo" nang aasar na sabi ng kapatid ko na si rianne



"Edi wag ka ring kumain diyan manigas ka" depensa ko para lalo siyang mainis





Sinandukan na ni auntie si mama at nagsimula narin kaming kumain




"Shiella at rianne may sorpresa ako sainyo!!" excited na sabi ni auntie



"Ano yon auntie!!" Sabi naman ni rianne



"Surprise nga hehe mamaya pag tapos natin sa hapag ay sosorpresahin ko na kayo" nakangiti nitong sabi



kumuha ako ng itlog at tuyo , sinawsaw ko ito sa dinikdik na kamatis na mayroong toyo.



kahit ata habang buhay ito kinakain ko sobrang saya ko parin eh



natapos na kaming kumain at nagsimula na kami g mag hugas ng pinggan ni rianne. Si wryziel naman ang nag punas ng aming lamesa



"Ate ano kaya yung surpresa ni aunt--"




"M-ga a-an-ak" hindi naituloy ni rianne ang pagsasalita dahil sa pamilyar na boses ang aming narinig. Ang boses na ilang taon naming hindi napakinggan



napabaling kami ni rianne kung saan ang boses na iyon at dali daling tumakbo si rianne kay mama habang umiiyak



"Surprise!!" Nakangiting sabi ni auntie



"A-auntie p-paano" nauutal kong sabi




"tinuruan ko si melissa mga anak" sabi ni auntie sa amin


Dali dali rin akong yumakap at dinama ang salitang narinig namin ilang minuto palang ang nakalipas



Hinatid namin si mama sa kwarto at pumunta narin sa sari sariling kwarto


pumasok kami ni wryziel sa kwarto ko at nakita ko ang saya sa mga mata ng aking kaibigan



"Shiella sobrang saya ko para saiyo" Nakangiting sabi ni wryziel at umakap sa akin



Way back into love  (Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon