33 It's now or never

455 16 0
                                    

Hayden luca's Pov (point of view)

"Ang ganda niya" bulong ko sa sarili noong nakita ko ang isang magandang babae

Tuwing sport fest palagi kong kinukulit ang papa ko na mag offer ng investment or donation sa school na ito para makita ko ang maganda na babaeng iyon


Dalawang taon ko ng nakikita ang babae na iyon pero hindi ko parin alam kung ano ang pangalan niya



"Anak mag handa ka na para sa party mamaya" sabi ni papa sa akin dahil birthday party niya mamayang gabi


palagi nalang party eh napaka boring naman , kung sino sino ipapakilala eh wala namang gagawin don puro pa sosyal lang naman ang ginagawa


"Dad kayo nalang po , dito nalang ako sa bahay" tinatamad kong sabi




"Anak naman birthday ko yon kaya sumama kana!" Pang hihikayat pa nito sa'kin


Tumango nalang ako at nag ayos

Itim na tux ang suot ko at itim na bowtie


Pumasok na kami sa venue at bumati nanaman ng napaka raming bisita


Nakuha ng aking paningin ang isang babaeng na long gown na mayroong napaka simple na make up

Buti nalang pala pumayag ako na pumunta dito! Makikita ko yung crush ko


Lumapit kami ni papa para mag pakilala sakanila


"At ito ang aking panganay , shiella katarina" pag papakilala ng matanda


naglahad ako ng kamay sakaniya at nakita kong may pag alinlangan pa sa kaniya kung mag aalay rin ba pero sa huli nag gawad din ito ng kamay at ako'y nag pa kilala


Pag tapos na pag tapos ng party dumiretso na ako sa kwarto at ngit ngiting nag iisip ng kung ano ano dahil nalaman ko na ang pangalan niya



"Shiella katarina" nakangiti kong banggit sa pangalan niya



Ang ganda ganda naman ng pangalan niya parang siya lang




"Anak mag out of town ako at tutuloy ka muna sa kumpare ko maliwanag ba" biglaang pag sasalita ni papa kaya naman nagulat ako



"Dad kaya kong mag - isa tss"


"Sigurado akong magugustuhan mo kung saan" sabi nito at ngumisi


Tumango nalang ako at nag bihis na pantulog dahil maaga raw akong ihahatid sa tutuluyan ko

Ang kulit kulit naman kasi ni papa , kaya ko naman eh

Nagulat ako noong napansin ko yung chubby na babae na laging kasama ni katarina , carly ba iyon?? Ibig sabihin sakanila ako pan samantalang tutuloy???

ang saya saya naman!! Umaayos talaga sa akin ang kalangitan ngayon

This really is unexpected!!

Sa loob ng halos isang buwan ko sa pagtira sakanila at pangungulit napapansin ko na kahit kaonte lang may feelings na rin siya sa akin , alam ko iyon dahil nararamdaman ko kahit hindi niya sabihin sakin , ang mga mata niya ang nagsasabi


Nandito kami ngayon sa resort dahil bukas na ang alis namin papuntang spain ni papa


"Katarina okay ka lang ba?" Malungkot kong tanong sa kaniya

Way back into love  (Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon