Ulan

3 0 0
                                    

Sa patak ng ulan nagsimula lahat

sa maingay at matalim na pagbagsak sa lupa

Sa pagtakbo mo na para bang wala kang pakealam 

kung mabasa ka at lamigin pagkatapos


Sa pagbitaw mo sa pagdaramdam 

Sa pagtanggap kung ano ang ihahatid ng bukas

Sa pag ngiti mo sa maitim na ulap na para bang

ikaw ang kanyang nais hagkan


Sa mabagal at taimtim na bulong na samahan ka

lagnatin man tayo bukas, 

"Tara."  Ang sambit mo. Nadala mo ako.

SanctuaryWhere stories live. Discover now