FALL 4

4 0 0
                                    

Kate's POV

"Where's the banyo, Kate?" Pupungay-pungay ang mata nito habang hawak ang isang bote ng vodka. Tinuro ko naman ang loob ng mansion.

Pa-ekis ekis itong naglakad papasok ng mansion, andito kasi kami sa pool. Kanina pa kaming hapon dito at alas dies nang gabi kaya halos lahat sa amin ay lasing na. Kahit ako ay may tama na rin.

"Kevin! Kevin!" Napalingon ako sa boses na iyon. Galing iyon kay Alliyah, kahit hilo ay pinilit kong pumunta palapit sa kaniya.

Nang masilayan ko ang dahilan kaya siya sumisigaw ay parang nawala ang tama ng alak na aking ininom. Napatakip ako sa aking bibig. Naulit na naman!

"Anong nangyar-?" Hindi natuloy ni Jeolen ang kaniyang sasabihin dahil nakita na niya ang bumubulang bibig ni Kevin at nakamulat na mata. May lumason sa kaniya.

"Bro!" sigaw ni Keisler habang inaalog ang katawan ni Kevin. Taena, taena!

"Hoy, t*ngina nito. Gumising ka diyan." Napapikit na lang ako, ngayon ko lang nakitang umiiyak ang dalawang lalaki na ito- si Keisler and Romar.

Pa'nong nangyaring nagawa ng killer ang paglason kay Kevin ng hindi namin napapansin. Talaga ngang kakaiba siya.

Mabuti na lamang ay wala si mommy and daddy dito, nag-ibang bansa para sa aming negosyo. Nasa day-off din ang mga kasambahay namin.

Bumalik kami sa loob ng mansion at 'yong mga lalaki na ang nag-asikaso sa bangkay ni Kevin. Simula ngayon ay mahirap ng magtiwala, hindi ko na alam kung sino ang kalaban. At baka bukas ay ako na ang sumunod sa mga kaibigan ko.

"Dito na muna kayo matulog," aniko sabay akyat papuntang kwarto. Sanay naman akong dito sila natutulog. Dati ay ginagawa talaga nila itong hotel.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay napasandal na lang ako sa likod ng pinto at d'on umiyak. Sana ay ito na ang huli kong iyak, pagod na akong umiyak!

Pagod na pagod na ako, bakit sa amin nangyayari ang kag*gohan na ito? Anong kasalanan namin?

Hindi ko alam kung anong nagawa namin. Pero...

Hindi! Impossibleng 'yon ang dahilan, matagal na namin iyong kinalimutan.

Ilang minuto pa akong umiyak bago naisipang maligo. Kailangan kong mahimasmasan.

Nakatingin ako sa salamin habang nagpapatuyo nang buhok. Kitang-kita ko ang pamumula ng aking mata, halatang kagagaling lang sa matagalang iyakan.

Kailangan kong malaman kung sino ang pasimuno ng g*gohan na ito. Wala siyang utak, buhay ng tao ang pinaglalaruan niya. Sisiguraduhin kong puputulin ko ang bundot ng demonyo sa aking mga kaibigan.

Third Person's POV

Lahat ng naiwan sa baba ng mansion ay tulala. Hindi alam kung matutulog ba sila o mananatiling tulala, gulong-gulo silang lahat.

"Sino ba kasi ang may gawa nito?!" sigaw ni Princess, halata ang takot sa kaniyang mata. Naagaw naman niya ang atensyon ng kaniyang mga kaibigan.

"Sinong t*ngang killer ang aamin sa tanong mo?" sarkastikong sagot ni Kiezhea, sinamaan lang siya ng tingin ni Princess at hindi na nagawang sumagot.

"Napakag*go ng gumagawa nito! Anong kasalanan ng mga kaibigan ko para patayin ng gano'n?" pasigaw na wika ni James, pare-parehas sila ng tanong sa utak. Anong kasalanan nila at kung bakit may gumagawa ng ganitong pagpatay.

"Ilang taon na tayong magkakasama, akalain mo nga naman ngayon lang lumutang ang plastic," ani Jeolen na para bang pinapatamaan ng may sala.

"So are you sabi-sabi to us na there's a plastic in our circle of friends?" Hindi na talaga mababago ang way ng pagsasalita ni Mycah, tamang-tama sa kaniya ang conyo queen.

"Indeed! Dahil sino ba naman nandito, 'di ba tayo-tayo lang? Ingat na lang sa pagyakap baka kasi ang niyayakap mo may hawak na pa lang kutsilyo na handang isaksak sa 'yo." Biglang sumulpot sa kung saan sina Romar, Keisler at Eathan. Siguro ay naidispatsya na nila ang katawan ni Kevin, kung saan ay walang nakaaalam maliban sa kanila.

"Matulog na tayo, ang haba ng araw na ito para sa atin," ani Lenard na sinang-ayunan ng lahat. Ang iba ay umakyat na patungo sa third floor dahil and'on ang mga guestroom. Malaki kasi ang mansion ng mga Randoval kaya kahit maghiwa-hiwalay sila ay ayos lang.

Naiwan sa baba ang mga lalaki. Sina Keisler, Eathan, Kenneth, Xyrus, James at Romar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagdidigest sa kanilang utak na wala na si Kevin. Lubos na masakit ito kay Keisler dahil ang turingan ng dalawang 'yon ay parang tunay na magkapatid.

"Kayo, sabihin niyo nga baka naman isa sa inyo ang killer?" pilit na biro ni Xyrus. Nasasakal kasi siya sa atmosphere, nakabibingi ang sobrang katahimikan.

"Sisiguraduhin kong mahahanap ko ang killer," ani Romar sa kaniyang isipan.

"Matutulog na ako," pagpapaalam ni James sabay takbo paakyat sa kaniyang kwarto.

"Sa isang iglap apat na kaibigan na natin ang nawala. Sa isang iglap biglang nawala ang tiwala sa isa't isa," makahulugang ani Keisler bago umakyat.

"Night, guys," ani pa nito bago lumiko at muling umakyat sa hagdan patungo sa third floor.

Sa isang kwarto naman ay hawak-hawak niya ang lason. Nakangisi at hindi manlang nagsisisi sa ginawa sa kaibigan.

"Tama lang ang nangyari sa kaniya. Atleast napaghiganti na kita," anito bago ilagay sa bag ang lason. Hindi niya alam na may nakarinig pala ng kaniyang sinabi.

"Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon." Wala sa sarili itong naglakad pabalik sa kaniyang kwarto. Balak niya sanang bumaba at uminom ng tubig ngunit narinig niya ang boses na iyon kaya pinakinggan niya.

"Sa tingin mo, baby Andrew sino ang killer?" tanong ni Alliyah habang yakap-yakap ang maliit na teddy bear na bigay sa kaniya ni Andrew. Bigay ito nang mag-christmas party sila, kahit ilang taon na ay 'yon pa rin ang paboritong teddy bear ni Alliyah.

"Baby Andrew, ayoko pang mamatay," umiiyak nitong bulong. Sino ba namang gustong mamatay? Kahit sabihin mong handa ka na ay papasok pa rin sa utak mong pa'no na sila kapag nawala ako.

"I wonder, sino ang matitira sa laro na ito. Ang killer kaya o ang mga t*ngang manlalaro," nakangisi niyang tanong, pinaglalaruan niya ang kaniyang kutsilyong puro bahid ng tuyot na dugo. Dugo 'yon ng mga pinatay niya.

•••••

July 08, 2020

Our DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon