FALL 8

5 0 0
                                    

Kate's POV

"Ano ba, Blessie," irita kong saway dahil bigla niya akong binasa. Tama ba namang wisikan ang tulala at magandang babae na nakaupo sa buhanginan?

Of course, mali 'yon!

"Mamaya mahipan ka ng masamang hangin, habang buhay kang magiging tulala." Inirapan ko siya sabay bato ng buhangin na iniwasan din naman niya.

"D'on ka nga, huwag akong bwesitin mo." Tumawa ito at lumapit kina Kiezhea. Andito kami sa dagat, kahit papaano'y gumagaan na ang atmosphere.

Nilingon ko ang aking mga kasamahan. Sina Kiezhea na nagbabasaan, sina Keisler na nagtatawanan, si Xyrus and Kenneth na seryosong nag-uusap at si Lenard na mag-isang nakatitig sa kawalan. Sana ay makita ko pa ang mga ngiti, tawa, pagtataray, moody, childish at pagiging weird nila.

Sana'y makaalis kami sa resort na ito na ang tanging mawawala ay ang killer at hindi ang aking mga tunay na kaibigan.

Hindi ko akalaing mangyayari sa buhay namin ang gan'to. Mayaman kaming lahat, we always get what we wants. Pero ni minsan ay hindi namin hiniling na mangyari ito.

I don't even know kung ano bang nagawa namin para may mamuong galit sa puso ng isa naming kaibigan. Sa loob ng maraming taon na aming pagsasamang lahat ay pinaramdam naming mahal na mahal namin ang isa't isa. Sama-sama kami sa lahat, it's either kalokohan o katinuan.

At kung inggit man ang dahilan ng taong iyon para pumatay ng tao, oh sh*t, he or she are totally crazy! Nainggit ka lang, papatay ka na?

Bumuntong hininga ako dahil sa raming thoughts na pumasok sa isip.

Para kaming namumuhay sa isang survival game na ang tanging bibigyan mo ng tiwala ay ang iyong sarili dahil hindi mo alam kung sino ang marumi at malinis ang kamay. Survival game na ang tangi mong sandata ay ang pagiging mabilis sa pagtakbo.

Nasayang ang pagsasama namin simula ng mamatay si Jewell, nagkaroon ng butas sa pagkakaibigan naming lahat.

Ano na lang kaya ang mangyayari sa amin? Bukas ba ay buhay pa rin ako? O baka naman mamaya lang ay oras ko na.

Kung oras ko na mamaya ay patitigilan ko ang oras. Hindi ako papayag na mamatay akong hindi naaalis ang maskara sa mukha ng killer. I'm the one who will end this bullsh*t game of that damn killer!

"Muntik na akong mahulog sa sobrang lalim ng iyong iniisip." Napangisi ako at tiningala ang taong 'yon, inabutan niya ako ng c2 kaya kinuha ko naman.

"Salamat," ani ko sabay bukas ng takip.

"Welcome, d'on na ako." Tumango ako saka ininom ang c2. Tamang-tama, kanina pa ako nauuhaw sa sobrang init.

Ngayon ay ramdam ko na ang init ng araw, tanghali na ata kaya ganito na lang katapang ang sikat ng araw.

"It's so init na here. Let's go inside na, guys," sabi ni Mycah habang pinapaypay ang isang kamay na para bang makakatulong iyon para mapigil ang init na kaniyang nararamdaman.

Sabay-sabay kaming pumasok sa hotel. Iyong ibang babae na nagswimming ay dumiretso sa kanilang kwarto at magpapalit daw ng damit.

"Tara, luto tayo Eathan," pag-aya ni Princess dito. Silang dalawa at si Blessie iyong kaibigan naming mahilig magluto, sila ang aming mga chef.

Hindi lang naman kasi puro lamon ang alam ni Eathan, marunong din siyang magluto na mukhang nakuha niya sa kaniyang tatay na chef sa isang sikat na 5 star hotel na sila rin ang may-ari.

Bigla ay narinig namin ang tili ni Princess kaya nagkatinginan kaming lahat bago pumunta sa kusina. Sino na naman ang sumunod?

Tinakbo namin kung saan nanggagaling ang tili.

Bigla ay napako ako sa aking kinatatayuan, para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig at hindi alam kung anong gagawin. Ang luha ko'y parang falls na nagsitulo, nanginginig din sa takot at galit ang aking kamay.

Si Jellian. Ang bestfriend ko wala na! Butas-butas ang kaniyang lalamunan at may nakatarak ding bread knife sa noo nito. Hindi pa tuyot ang dugo, ibigsabihin ay kani-kanina lang ito nangyari.

Nilapitan ko siya at niyakap ang kaniyang bangkay. Wala akong pakialam kung malagyan ako ng kaniyang dugo, all I want to do is to hug her cold and bloody body.

"Fvck you, J-Jellian. Y-You told me na sabay tayong aalis sa resort, 'di ba?! Ba't ka nauna? T-Taena!" Iniyak ko ang lahat ng sakit na ang nararamdaman, ang childhood bestfriend slash kapatid ko'y wala na.

Sa ilang minuto ay bumalik ang aming pagsasama no'ng siya'y nabubuhay pa.

Nang maubos ang luha ay ako ang nagbuhat ng kaniyang katawan. Lahat sila'y umiiyak na sinundan ako ng dalhin ko sa gubat ang katawan ni Jellian. Mabuti na lang ay may nakahandang pala, ako rin mismo ang naghukay. Bawat hukay ko ay siyang tulo ng aking luha galing sa dalawa kong mata.

Damn it! I never thought na ako ang maghuhukay ng magiging libingan niya.

"Let me help you."

"No!" Bumuntong hininga siya at pinabayaan akong mag-isang ilagay sa hukay ang bangkay ni Jellian. Hindi ko manlang siya nabigyan ng magandang libing.

Matapos siyang ilibing ay nanatili lang ako sa tabi ng kaniyang pinaglibingan. Sa isang iglap wala na akong bestfriend.

"Kate, let's go." Hinawakan niya ang aking braso pero marahas ko itong hinila pabalik.

"Leave me alone!" sigaw ko sa kanilang lahat.

"But—"

"Please! Leave. Me. Alone!" Halatang ayaw nila akong iwan at alam kong nag-aalala lang sila sa akin pero sa oras na ito. Gusto ko ng sumunod kay Jellian.

Umalis silang lahat at iniwan ako rito sa gubat. Kakaunti lang ang puno sa gubat na ito, hindi ko rin aasahang may ahas o mabangis na hayop dahil sigurado naman akong bantay sarado ito ng mga gwardiya.

Ngayon ay parang pinagsisihan ko ng wala kaming kasama ni isang staff sa resort na ito.

"Jellian, sorry dahil pinabayaan kita. Gusto ko ng sumunod sa 'yo pero iniisip ko rin, pa'no na lang ang mundo kapag nawala ang magandang katulad ko?" Joke dapat 'yon pero imbes na matawa ay umiyak ako. Ang t*nga mo talaga, Kate.

"Jellian Yarlon, sana'y maging masaya ka na kung asan ka. Ikamusta mo ako kina Jewell, Carline, Yhumi, Kevin at Frenz kapag nagkita-kita kayo." Pinunasan ko ang aking luha pero hindi pa rin ito huminto.

"HAHAHA, mukhang magkakaroon kayo ng reunion diyan."

Nanatili pa ako ng halos kalahating oras sa tabi ni Jellian hanggang sa maisipang ko ng bumalik sa hotel. It's time to face the real battle.

•••••

July 09, 2020

Our DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon