FALL 11

4 0 0
                                    

Jeolen's POV

Dalawang araw na ang nakalilipas nang malaman naming isa si Xyrus sa mga killer. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa aking isip kung pa'nong hindi nag-atubiling palakulin ang ulo ng isa sa mga naging kaibigan namin.

Kate is a type of person you woudn't wish to mess off. In just a snap she can kill you.

She used her bare hands to end Xyrus life.

Kate is not an ordinary girl with an ordinary parents. Tito Raymond— Kate dad is a mafia leader and tita Maricel are daughter of king Mannex and queen Arishel. Ang dugo ng isang Kate Randoval ay pinagsamang maharlika at matapang na pinuno.

Natatandaan ko pa no'ng sinabi niya sa aming grandmother niya si queen Arishel sabay-sabay namin siyang tinatawanan, I thought that time nagbibiro lang siya pero isang araw pumunta kaming lahat sa mansion nila. Tumawag si queen Arishel, video call. D'on lang namin nalamang totoo pala ang kaniyang sinabi.

Ang taas nang tingin ko kay Kate. Maharlika siya pero napakabait, ibang-iba sa mga napapanood at nababasa kong princess story.

Pero lahat ng mababait na pusa ay maaaring magbago lalo na kung siya'y niloloko. Nang pinatay niya si Xyrus, wala akong nabasang awa sa kaniyang mata, galit na galit ito. Kinilabutan ako lalo pa nang dumapo ang tingin niya sa akin, para akong nakatitig sa isang tigreng inagawan ng pagkain.

Napalitan ng ibang paksa ang nasa aking utak. Bumuntong hininga ako ng maalala ang sinabi ni Xyrus bago siya mamatay. May dalawa pang killer. Akala ko talaga tapos na, akala ko makakaaalis na kami sa resort na ito pero hindi pa pala. Lahat ng akala ko'y biglang naglaho ng malamang may dalawa pang taksil sa amin.

Alam kong lahat kami ay umaasa kay Kate. Inaasa namin sa kaniya ang aming buhay. At sa oras na mawala si Kate ay para kaming ibon na naputulan ng pakpak na sana'y huwag mangyari.

Nakapagtataka lang sa resort na ito, bakit pati ang gwardiya'y pinaalis ng pamilya ni Princess?

Tapos ang isla na ito ay isang gubat, nasa loob kami ng gubat na napapalibutan ng karagatan. Kahit siguro magtatakbo ako kung saan-saan ay wala akong makikitang ibang tao maliban sa amin.

P*ta rin ng isla na ito, walang signal kaya hindi namin magawang tumawag sa Maynila upang humingi ng tulong.

"Kumain ka na?" Biglang sumulpot sa kung saan si Eathan, may hawak itong chichirya at san mig na apple flavor. Mabuti na lang talaga ay nagdala kami ng pagkain kung hindi, mamatay kami sa gutom hindi sa saksak nang kutsilyo.

"Hindi pa nga eh, kuha mo 'ko." Tumango naman ito at tumayo. Tinitigan ko ang likod niyang naglalakad papasok sa kusina. Ang lapad ng likod ni Eathan pero hindi maipagkakailang may itsura ito.

Muli ay tinutok ko ang aking paningin kay Kate and Romar na nagbabatukan. Isang sadista at isang isip bata. Napailing na lang ako.

Makakaalis kaya ako ng buhay sa resort na ito? Ilan kaming makakalabas ng buhay rito?

Tumingin ako sa langit, napakapayapa nito. May mga ibon ding malayang nagsisiliparan sa himpapawid.

"Ay p*ta," gulat kong wika ng may tumulak sa aking likuran. Nilingon ko ang taong 'yon saka sinamaan nang tingin.

"Keisler!" sigaw ko sabay habol dito. Ako talaga ang laging trip na asarin nito.

"Kakatayin talaga kita!" sigaw ko, sandali akong tumigil sa pagtakbo. Ilang segundo ay muli ko siyang hinabol ngunit bigla itong nawala sa aking paningin. Luminga-linga ako, nagbabakasaling mahagip ng aking mata pero ni anino nga'y hindi ko makita.

Bigla akong kinabahan kaya bumalik ako sa loob ng hotel. Hinanap ko si Keisler subalit wala.

"Nakita niyo si Keisler?" tanong ko sa kanilang lahat. Umiling ang mga 'to. P*ta, baka napahamak 'yon!

"Tulungan niyo akong hanapin siya," aligaga kong wika. Pumasok  sina Kate at agad inalam kung anong nangyayari.

"Nawawala si Keisler." Tumakbo ako palabas ng hotel, kasunod ko silang dalawa.

Kapag may nangyari sa lalaking 'yon, hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

Nalibot na namin ang buong resort subalit wala kaming Keisler na nakita.

Pumunta kami sa gubat, d'on din kasi naghahanap sina Mycah.

Isang tili ang aming narinig. Nauna akong tumakbo hanggang sa makita ko si Princess na umiiyak habang nakaturo sa taas nang puno. Tumingala ako at agad tumulo ang aking luha.

"Keisler!" palahaw ni Romar. Nilingon ko ito, namumula ang kaniyang mata habang yakap-yakap ni Kate.

Kanina lang! Kanina lang ay pinagtritripan niya ako tapos ngayon, makikita ko siyang walang buhay na nakasabit sa puno!

"P*ta! Put*ngina ng gumawa nito! Mamatay na talaga gumawa nito!" Para akong nawawala sa sarili habang sumisigaw. P*ta!

Keisler's POV

"Kakatayin talaga kita!" Tatawa-tawa akong tumakbo palayo kay Jeolen. Para hindi mahuli ay pumasok ako sa gubat.

Bigla ay may bumagsak na tali sa aking ulo dahil sa bilis ng pangyayari'y hindi ko ito natanggal hanggang pataas na ko nang pataas.

"T-Tulong." Gusto kong sumigaw ngunit 'di ko magawa. Nararamdaman ko ang paghigpit ng tali para itong kumikiskis sa aking leeg. Ang sakit!

Totoo nga 'yong biglang magfla-flashback sa utak mo lahat ng alaala mo bago ka mamatay. Gusto kong ngumiti dahil ang unang pumasok sa utak ko'y ang aking mga kaibigan. Totoong kahit papaano'y sumaya ako ng makilala ko silang lahat.

Sila ang the best para sa akin, kahit pa may tatlong taksil.

Mga kalokohan namin nina Romar, kung pa'no ko bwesitin si miss President para lang makuha ang kaniyang atensyon. I like Jeolen, I like her very much to the point na natotorpe akong umamin kaya dinadaanan ko na lang sa pambwebwesit.

Kung magkakaroon ako ng panibagong buhay, sila at sila pa rin ang pipilitin kong maging kaibigan.

Sila lang kasi ang tumanggap sa akin no'ng mga oras na tinalikuran ako ng mundo. Sila ang naging sandalan ko kapag nakararamdam ako ng pagod. Sila, sila ang mga kaibigan ko na hindi ko ipagpapalit kahit anong kayamanan. Dahil walang tutumbas na ginto sa kanilang kabutihan.

"T-Tu-Tulong!" Nakikita ko ang pagtulo ng dugo galing sa aking leeg. Dumidilim na rin ang aking paningin hanggang sa tuluyan ng mawalan nang hininga.

Paalam, aking mga kaibigan.

Jeolen Quertes, I love you.

•••••

July 09, 2020

Our DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon