FALL 10

5 0 0
                                    

Third Person's POV

Laging nakatitig si Kate kay Xyrus, binabantay ang bawat kilos. Hinihintay niya lang ang tamang oras para mahuli ito.

"Kanina ka pa nakatitig kay Xyrus. Nagseselos tuloy ako." Kung normal na araw ito ay siguradong makakaramdam ng kilig si Kate dahil sa sinabi ni Romar pero hindi.

Bumuntong hininga ito bago nilingon ang lalaki. Buo ang tiwala niya kay Romar, ni katiting ay hindi pumasok sa isip niyang killer si Romar marahil ay dahil mahal niya ang tao.

"Bago mamatay si Lenard." Yumuko ito bago bumuntong hininga, hindi niya inaasahang may susunod pa sa kaniyang bestfriend na si Jellian. Sa isip niya'y kasalanan niya kung bakit namatay si Lenard.

"He told me na." Nagtaas siya ng tingin kay Romar. "Huwag mong sasabihin kahit kanino 'to. I trust you, I trust you with my heart," emosyonal na dagdag nito habang nakaturo sa dibdib.

Tumango naman si Romar, masaya siya dahil ang babaeng mahal niya'y may tiwala sa kaniya. Sa mga oras at araw na ito'y mahirap na talagang magtiwala.

"Magkapatid si Jewell and Xyrus," anito na kinagulat ng lalaki. Nangunot ang noo saka nilingon si Xyrus na nakikipag-asaran kina James.

"No'ng isang araw, pumunta ako sa kwarto ni Frenz. Nakakita ako ng singsing na pagmamay-ari ni Jewell. Nakita niya ako d'on kaya lumabas ako at hindi ko sadyang makita ang blood stains sa kaniyang pantalon. Tornesa, isa siya sa killer. We need to do something!" malakas na bulong nito. And'on ang galit at lungkot ngunit nangingibabaw ang galit.

"Sigurado ka ba diyan?" Sinamaan niya nang tingin ang lalaki saka ilang beses na tumango.

"Okay, fine. Ako na bahala." Ngumiti si Kate, ngiting para bang naprepredict na niyang matatapos din ang g*gong laro na ito.

"Kung sakali ngang siya ang killer. Anong gagawin mo?" Kumuyom ang kamao nito. Bumalik sa kaniyang alaala ang pagkamatay nina Jellian. Gusto niya ring maranasan 'yon ni Xyrus.

"I'll kill him with my bare hands," walang emosyong sambit nito. Tila ba wala na siyang pag-aalinlangan kung mangyari ang gusto niyang gawin. Nabalot ng galit ang kaniyang puso.

Lahat naman sila'y gustong ipaghiganti ang kanilang kaibigan.

"I don't think you can do," ani Romar na naging dahilan para siya'y ngumisi. Ngising talaga namang kikilabutan ka. 'Yan ang tunay na Kate Randoval, she born to be fierce. She's not born for nothing.

"Then, watch me." Tumayo ito at pumasok sa hotel. Bumuntong hininga si Romar, alam niyang wala na siyang magagawa para pigilan ang gustong gawin ng babae. Kapag sinabi ay talagang gagawin niya.

Umakyat ng sariling kwarto si Romar. May kailangan siyang kunin na makakatulong sa kaniyang plano.

Lumapit siya sa kaniyang bag, bigla namang pumasok sa kaniyang kwarto ang kaibigan niyang si Keisler.

"Oh, ba't andito ka?" tanong nito. Humiga ito sa kama.

"Bro, sa tingin mo makakaalis tayo ng buhay sa islang 'to?" Nakatingin lang sa kisame si Keisler, ang totoo'y naiimagine niya ang kaniyang kamatayan.

"G*go, mabubuhay tayo. Makakaalis tayong lahat dito," nakangiting sambit ni Romar. Umupo naman sa edge ng kama si Keisler.

"Pa'no kung hindi?" Binatukan siya ng kaniyang kaibigan.

"G*go ka talaga! 'Pag namatay ka, papatayin ulit kita." Tumawa ito at inambaan ng sapak ang kaibigan pero hindi tinuloy. Ganiyan ang dalawang 'yan.

"Ano ako, baboy? Double dead?" Nagtawanan ang dalawang lalaki.

"Tara na," yaya niya kaya sabay silang lumabas ng kwarto. Nagkwentuhan ito habang pababa, nakasalubong pa nila si Jeolen.

Our DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon