Kate's POV
Sabi sa amin ni Princess, para daw makarating sa kanilang resort ay kailangan naming sumakay sa yacht. At hindi ako masaya d'on, mahina ang sikmura ko sa mga sasakyang pandagat.
Halos mamula ako sa sobrang kaba ng makita ko ang yateng aming sasakyan. Hindi pa man dumarampi ang aking paa'y pakiramdam ko'y nahihilo na ako.
Malaki ang yate na ito at ang pamilya ni Princess ang may-ari, let's just say lahat ng sasakyang pandagat ay sila ang ang may-ari.
"Let's go!" masayang sabi ni Frenz, lahat sila'y nakangiting sumakay sa yate habang ako naman ay aatras ang paa tapos biglang aabante. Ayoko na!
"Ang kahinaan pala ng isang Kate Randoval ay sasakyang pandagat," pang-aasar ni Romar. Sinamaan ko siya nang tingin sabay pakita ng kamao. Sapakin ko kaya siya.
"H-Hindi ako takot," aniko na sabay-sabay naman nilang tinawanan. Mga taena talaga nila.
"Kate, huwag kami. Simula 10 years old ay kilala ka na namin. Alam naming mahina ang sikmura mo sa sasakyang pandagat. HAHAHA!" Fvck you, Jellian! Akala ko pa naman ay ipagtatanggol ako, isa rin pa lang mang-aasar.
"Sakay na, daming arte," mataray na sabi ni Kiezhea sabay irap. Napairap na lang din ako at mabibigat ang padyak na sumakay sa yate.
Lahat kami ay nandito na sa loob. Apat na oras ang gugugulin namin bago dumating sa resort. Apat na oras! Taena, susuka talaga ako.
Nagsimulang umandar ang yate kaya nanlaki ang aking mata at parang batang maiiyak sa gilid. Ayoko na!
"Wahhhh!" sigaw ko sabay takip ng mukha. Narinig ko naman ang malakas nilang tawanan kaya mas lalo akong nagtakip ng mukha. Tuwing sasakay kami sa yate, ship o whatever na pandagat ay natatakot talaga ako.
"Ba't kasi hindi na lang tayo nag-eroplano," ani ko na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang palad sa mukha. Ayokong makita ang dagat, ayoko ring makita nilang namumula na ako sa sobrang hilo.
"Kasi po, hindi pwede." Hindi ko talaga kayang magtagal sa dagat kaya dali-dali akong tumakbo papuntang cr at sumuka. Umiling-iling pa ako pagkatapos magmumog. Ang sakit nang sikmura ko para bang pinipilit nitong sumuka kahit wala pa naman akong kinakain.
"Taena naman kasi eh," bulong ko habang naglalakad pabalik sa mga kasamahan. Napahinto naman ako sa paglalakad ng may makitang babae, nakayuko ito at nakasuot ng uniporme kagaya ng ginagamit namin sa university.
Sino naman kaya ang babaeng 'to?
Lalapitan ko sana ito ngunit bigla itong tumingin sa akin, puro dugo ang mukha, nakangisi rin ito.
"N-No!" sigaw ko sabay takbo pabalik sa mga kasama. Bigla akong sinalubong ni Jeolen, wala ako sa sariling umiyak at yumakap. Pawis na pawis din ako saka nanginginig ang buong katawan.
"Anong nangyari?" Lahat sila ay nagtatanong pero ni isa'y wala akong sinagot. Namamalikmata lang ba ako? Pa'no ko makikita ang patay na? Impossibleng makakita ako ng patay!
"Maybe, nakakita ka lang ng cockroaches," natatawang wika ni Mycah pero umiling ako. Pinaupo nila ako at inabutan ng tubig. Hanggang ngayon ay hingal na hingal pa rin ako.
Nang pumikit ako ay muli kong nakita ang kaniyang mukha. Nakangisi, nakangisi siya sa akin!
Nagmulat ako ng mata. Tumulo ang aking luha habang umiiling. Bakit ko siya nakikita?
"It is possible na makakita ka ng kaluluwa?" nanginginig kong tanong. Alam kong ang weird ng aking tanong pero gusto ko lang malaman kung possible nga ba.
"No, kung makakita ka man ay dahil lang sa iniisip mo ang taong namatay na iyon," sagot ni Lenard kaya napakagat ako sa aking labi. Pero, hindi ko naman iniisip ang taong iyon kaya bakit ko siya nakita?
"Nakakita ka ba ng multo?" seryosong tanong ni Romar kaya tumango ako na naging dahilan para sila'y magtawanan. Sabi na nga ba, tatawanan lang ako ng mga 'to.
"Maniwala kasi kayo!" sigaw ko. Halos magsi-iyakan na sila sa kakatawa, taena niyo sana mabungi kayo!
"G-Gutom lang 'yan, K-Kate," tatawa-tawang wika ni James kaya irita akong yumuko. Kaya minsan ayokong magsabi sa mga 'to, imbes na maniwala ay tatawanan ka.
"Hoy, tama na nga!" pagpapatigil ko sa kanila. Hindi naman ito mga nagsihinto, taena.
"Diamond!" sigaw ko kaya automatic silang tumigil sa pagtawa. Napangisi naman ako. Napalingon ako kina Romar at Keisler na pinipilit na huwag tumawa. Pinakita ko sa kanilang dalawa ang gitna kong daliri.
"Nagutom ako katatawa, kuha lang ako ng drinks," ani Frenz kaya tumango kami. Maayos na rin ang aking pakiramdam, siguro ay dahil lang sa hilo kaya kung ano-anong nakikita ko.
Bumalik si Frenz na may dala-dalang drinks. Pero ang nahalata ko ay ang namumutla niyang mukha. Anong nangyari sa kaniya?
Binigyan niya kaming lahat ng drinks, sinundan ko ng tingin si Frenz at pumunta ito sa railings saka tinanaw ang dagat. Huminga muna ako nang malalim saka siya pinuntahan. Bahala na kung mahilo.
"Ba't ganiyan mukha mo?" tanong ko bago umiinom ng drinks. Uminom din muna siya bago ako nilingon, nakailang lunok pa ito.
"Totoo bang nakakita ka ng multo?" Umirap ako saka tumango. Hindi ako masyadong dumikit sa railings dahil ayokong makita ang dagat.
"Siguro ay parehas tayo ng nakita. I saw her too," aniya saka ako iniwan. Bigla ay para akong napako sa aking kinatatayuan. So, that's mean totoo ang nakita ko?
Taena! Taena! Taena! Bakit siya nagpapakita sa amin? Anong kailangan niya?
Tanghali nang dumating kami sa resort, dahil na rin sa mainit at pagod ay pumunta muna kami sa sarili-sariling kwarto. Sabi ni Princess ay pinareserve nila ang hotel and resort para walang gumambala sa bakasyon namin na I think it's good naman. Ayoko rin kasing may kasabay na ibang tao kapag nagbabakasyon.
Frenz's POV
Pabagsak akong humiga sa aking kama, malambot ito kaya bahagya akong tumalbog.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatingon ako d'on. Bigla ay napatayo ako dahil sa nakatatakot na maskarang suot ng aking kasama.
"G*go, ano ba naman 'yang suot mo?" Sinarado niya ang pinto kaya nanlaki ang aking mata. Killer!
Ang t*nga mo, Frenz.
Naglakad ito palapit sa akin kaya umatras naman ako. Ayoko pang mamatay!
May binunot siyang kutsilyo sa kaniyang likuran at tumakbo palapit sa akin.
"Sino ka?" garalgal kong tanong. Tinanggal niya ang kaniyang maskara kaya nakita ko ang demonyo niyang ngisi.
"Ikaw? T*ngina, ba't mo ginagawa 'to?!" malakas kong sigaw. Sana naman ay may makarinig sa akin.
"Kaibigan kita—!" Bigla niyang sinaksak ang aking bibig kaya hindi ko natuloy sabihin.
"Ang ingay," anito. Tumulo ang dugo galing sa aking bibig lalo nang hilahin niya ang kutsilyo. Sinaksak naman niya ang aking dalawang binti, gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa dahil sa bibig kong sinaksak ng g*gong 'to.
Hindi pa siya tumigil at pinutol-putol ang aking daliri sa kamay. Naliligo na ako sa sarili kong dugo, kitang-kita ko rin ang malalapot na dugong lumabas sa bawat daliring kaniyang pinuputol.
T*ngina, hindi ganitong pagkamatay ang gusto kong mangyari sa akin!
"And for the last." Sinaksak niya ang aking dibdib, tumayo ito at pagbagsak ko sa sahig ay siyang pagpikit ng aking dalawang mata.
•••••
July 08, 2020
BINABASA MO ANG
Our Downfall
Mystery / ThrillerIt's all started when Jewell Moalera passed away. Who killed Jewell Moalera? 07.17.20