FALL 12

8 0 0
                                    

Kate's POV

Hindi na bago sa amin ang may makitang bangkay. Pagkatapos na mailibing si Keisler ay bumalik kami sa hotel at gumalaw na parang walang nangyari. Kailangan naming maging malakas kung gusto naming makaaalis sa taenang resort na ito. Hindi na dapat kami magpa-apekto kung sakaling may susunod na naman.

Tanggap na naming lahat ang aming kapalaran. Kung mamatay, edi patay.

Pero hindi ibigsabihing susuko na akong gumawa ng paraan na makaalis sa islang ito. Habang may hininga ako ay gagawa at gagawa ako ng daan upang makaalpas kami. Hangga't kaya kong patigilin ang oras, gagawin ko para mailigtas sila.

Kung kailangan kong gamitin ang tinuro ni dad, handa ako. Masama man 'yon pero mas masama sila. Silang mga killer ang nauna, gaganti lang ako para sa mga pinatay nila at para din sa aming kaligtasan.

Hindi lang naman sila ang marunong makipag-laro ng marumi.

Alam ko naman kasing umaasa silang lahat sa akin without knowing na napapagod din ako. Pero ang pagod na aking nararamdaman ay nawawala tuwing naririnig ko ang kanilang tawanan.

Galing ako sa bodega. May kinuha ako na makakatulong sa amin. Tinago ko ito sa lugar na ako lang ang nakaaalam.

Ngayon ay mag-isa akong naglalakad sa tabing dagat. Ang tanging ilaw lang ay ang buwan, medyo malayo rin ako sa hotel kaya kung sumunod man sa akin ang killer ay walang makakakitang pinapatay na pala ako.

Sumasayaw sa hangin ang aking buhok, pati ang suot kong bestida ay parang kurtinang lumilipad tuwing madadapuan ng hangin. Ang tahimik na dagat ang nagiging dahilan para ako'y kabahan. Mas nakatatakot kasi ang tahimik dahil hindi mo alam kung asan ang kalaban.

May naramdaman akong presensya sa aking likod, bagkus na magpahalata ay normal lang akong naglakad. Kinuha ko sa aking bulsa ang lata na napulot ko habang naglalakad. Mukhang magagamit ko ang latang ito.

Sumipol-sipol pa ako, mukhang hindi naman alam ng tao sa aking likuran na nararamdaman ko siya. Idiot killer.

Lumabas talaga ang tunay kong ugali simula ng pumanaw si Jellian. Si Jellian lang kasi 'yong taong kaya akong pakalmahin except kay Romar na napapakalma ako dahil sa pambwebwesit.

Basta ko na lang hinulog sa buhangin ang lata at bigla itong tumunog. Ibigsabihin ay naapakan ito ng taong sumusunod sa akin. Napangisi ako saka siya nilingon.

Bumungad sa akin ang taong puro itim ang suot, makapal ito. May maskara din itong masasabi kong nakatatakot. Ang inaasahan ko'y may nakatutok sa aking matulis na kutsilyo pero ni karayom ay wala itong hawak.

"Idiot," pang-aasar ko saka tumakbo nang mabilis. Hinabol naman niya ako, hindi ako t*nga para magpahuli.

Baka nakalilimutan ng killer na ito, runner ako kaya hindi niya ako matatalo sa pagiging matulin.

Malapit na ako sa hotel at naabutan ko ang aking mga kaibigan habang naglalaro ng spin the bottle, 'yong iba naman ay nasa isang tabi umiinom ng alak at nagpapakabusog. Nang mapansin nila ako ay bigla itong mga nagsitayuan at tinanong kung ba't ako hinihingal. Ang layo rin kasi ng tinakbo ko at matagal-tagal na akong hindi tumatakbo ng ganoong kabilis.

Sumilip ako sa labas ng hotel ngunit wala na d'on ang t*ngang killer. Binigyan nila ako ng tubig na agad kong ininom.

Lahat sila'y nakatitig sa akin, naghihintay na ako'y magsalita. Umiling na lang ako, nonsense kung sasabihin ko sa kanila. Hindi ko rin naman kasi namukhaan ang killer pero ito lang ang aking kasiguraduhan.

Isang babae ang humabol sa akin.

Mycah's POV

Kinaumagahan ay bumaba ako para tumungo sa resto. I'm starving.

Naabutan ko naman d'on si Kiezhea, Princess at Jeolen. Mukhang tulog pa 'yong iba.

Umupo ako at naglagay ng kanin sa plato. Simula ng mapunta ako sa resort na ito ay natuto akong mamuhay ng mag-isa.

Dati no'ng kasama ko pa ang aking pamilya, kahit panligo ko'y inuutos ko sa aming mga kasambahay pero ngayon? Wala na. Sarili ko na lang ang aking aasahan.

Ngayong namumuhay kami sa isang demonyong laro, walang silbi dito kung ano ang iyong katayuan sa lipunan.

Pera, pera ang akala kong makapangyarihan sa mundo pero mali ako. Walang maitutulong ang pera para mailigtas ako sa nangyayari sa amin.

Hindi ko naman pwedeng isampal ang pera sa pisnge ng killer.

Nang matapos akong kumain ay tumayo ako ngunit muling bumalik sa harapan ng tatlo.

"Jeolen, I borrowed your Narnia book." Ngumiti ito saka tumango. Favorite ko kasi ang book na Narnia and I'm so malas dahil hindi na ako nakabili kaya hihiram na lang ako kay Jeolen.

"Kunin mo na lang sa loob ng aking bag." Hindi na ako tumugon at patakbong umakyat sa hagdan. Agad ko namang nakita ang kwarto ni Jeolen dahil nasa bungad lang ito ng mahabang hallway.

Mabuti na lang ay hindi ito nakalock. Pumasok ako saka binuksan ang ilaw. Nakita ko naman sa kama ang kaniyang bag, pinuntahan ko ito saka umupo sa lapag.

Bumungad agad sa akin ang libro pero ibang bagay ang umagaw ng aking pansin. Kinuha ko ito at nanlaki ang mata.

Lason?

Kahit nagtataka'y nilagay ko iyon sa aking bulsa. Kinuha ko rin ang libro para hindi niya mahalatang iba ang aking kinuha.

Ba't may lason na dala si Jeolen? Impossibleng gamitin niya iyon para magpakamatay. Hindi gano'ng tao si Jeolen. Kilala ko siya.

Kilala ko na nga ba?

Si Xyrus ngang matagal na naming kaibigan ay may lihim pa lang tinatago, pa'no pa si Jeolen?

Lumabas ako ng kaniyang kwarto na sobrang raming tanong sa isip.

Mukhang sasabog ang utak ko! Kaya nga hindi ako nagtitino sa pag-aaral para huwag mag-isip ng kung anong isasagot tapos ito ako halos mapuno ng bakit ang aking precious mind.

So unfair! Baka naman OA lang ako. Pero hindi niyo ako masisising mag-isip ng kung ano-ano lalo na't iniisip ko ang kaligtasan namin.

Jeolen Quertes, isa ka bang killer?

Bumaba ako at andoon na silang lahat sa lobby. Napansin ko ang matalim na titig ni Kiezhea kaya sinundan ko kung saan niya nakatingin.

Bumilog ang aking mata ng makita ang kulay pula sa damit nito.

Bumalik ang tingin ko kay Kiezhea at nakatitig pa rin siya kay James, tama ba kami ng iniisip ni Taray Queen?

Jeolen Quertes at James Falistro, added to my investigation notebook.

Hindi naman ata masamang maghinala.

•••••

July 09, 2020

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon