Chapter 75

2.1K 75 3
                                    

Gabriel POV

"Noong gabing yun, pinaghandaan ko din yun phia. Excited akong makita ka nun at makasama ka para ipagdiwang natin ang unang buwan natin na magkarelasyon "- aniko na may panghihinayang

Pinaghandaan ko yun, yun ang totoo.

"Ha? Paanong nangyaring pinaghandaan mo? Eh kitang kita ko na tulog na tulog ka habang magkayakap kayong dalawa ni suzzy"- Saad niya na nakakunot ang noo

Napabuntong hininga ako at nagsimulang magsalita.

F L A S H B A C K

I'm so excited to be with phia.
Unang buwan namin na in a relationship at sobrang saya ko dahil iba si phia.
Sobrang understanding girlfriend, willing to help to others, sabay pa kaming nag-aaral. Sa loob ng isang buwan nakilala ko siya at minamahal ko siya ng todo.

Nagpareserve ako sa isang sikat na restaurant para saaming dalawa.

First time kong gagawin to at masaya ako dahil gagawin ko Ito sa taong Mahal ko.

May usapan kami na susunduin ko siya ng 6:30PM sa hotel Kung saan nandun din ako dahil may room doon si mommy. Nagstay ako doon para saktong 6:30 ay masundo ko siya.

Alas 5:00PM palang ay bihis na bihis nako.
Maya-maya ko tinitignan ang relo's at Hindi makapaghintay na mag 6:30 at makasama siya.

TC: 5:45PM

Ding-dong- Ding-Dong

Sino naman yon?

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad saakin ang mukhang lasing na mukha ni suzzy.

"What are you doing here?"- Saad ko saniya

Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok at binagsak ang boteng dala.

Taka ko itong tinignan.

Wine?

"Hey honey, miss me?"- aniya na may malanding tono

"Anong ginagawa mo dito! Umuwi kana suzzy, may lakad ako"- sagot ko sa kaniya.

"Why? You don't like me na ba? Balita ko monthsary niyo nung matabang yun ah. Congrats hon, you did great. Goodjob"- aniya at lumapit saakin

"Dahil nagawa mo na yung pinagawa ko sayo, makukuha mo na reward mo. Girlfriend muna akooo gab"- aniya na ngiting ngiti

"No way. Hindi na kita gusto suzzy. Si phia, si phia na ang gusto ko. Siya na ang Mahal ko at Hindi ikaw"- Saad ko at isinigaw sa kaniya

Nagulat ako ng ikawit niya ang mga kamay sa may batok ko.

Tinulak ko naman siya ng mahina kaya napakalas siya.

"Hahaha, sorry gab. But I know you're just joking. Hahaha, ikaw? Gabriel tolentino na niligawan ako for 2 years ay biglang Hindi ako Mahal hahaha. Don't me gab"- aniya at ngumiti

"Sorry suzzy, but I'm inlove on phia. Ibaling mo nalang sa iba yang pagmamahal mo"- aniko na seryoso

Hindi niya ito sinagot at nagtungo sa kusina.

Tinignan ko ang relo's ko 6:15 PM.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. At ibinulsa ito.

Papalabas nako ng may iabot siya saakin.

Takang tinignan ko ang baso na may lamang alak.

"Not now suzzy, may date kami ni phia"- aniko at nagpatuloy sa paglakad

"Isang shot lang gab, I promise Hindi nako manggugulo sainyo"- aniya at nakangiti

Hindi na siya manggugulo? Really hah. Buti naman. Kaya inabot ko Ito at mabilis na ininom, inabot ko muli sa kaniya ito at naglakad na paalis ng biglang (sumakit ang ulo ko, sumakit ang baywang ko sexbomb char) ng biglang sumakit ang ulo ko at nagdilim ang paligid.

Narinig ko nalang ang huling saad at pagtawa na nanggaling kay suzzy.

"Hindi ikaw ang magiging hadlang sa paghihiganti ko gab, Hindi ikaw HAHAHAHA"

E N D O F F L A S H B A C K

"At ayon nagising ako KINABUKASAN. Nakipagbreak kana sakin at nakita ko sa sala ang mga nakakalat na Cd, ng panuorin ko yun ay yun yung usapan namin ni suzzy. Pero maniwala ka phia, ikaw na talaga ang Mahal ko. Mahal na Mahal kita"- sinserong aniko at nangingilid ang mga luha

"Gab"- aniya saakin at pinunasan Ang mga luha na kanina pa umaagos sa maganda niyang mga mata.

I want to hug and kiss her. I miss her so much.

"Phia? Suzzy used me sa paghihiganti"- Saad ko at sinserong nakatingin sa kaniya

Kumunot ang noo niya

"Paghihiganti? Saakin? Why me? Wala akong matandaang ginawa ko--"- aniya na pinutol ko

"Sa kuya mo"- Saad ko at natigilan siya

"Kuya ko? Who's kuya?"- tanong niya

"Kuya Nathan mo"- Saad ko

"Ha? Nagsisinungaling ka ba? Si kuya nate?"- aniya na nakakunot padin ang noo

"Oo siya"- Saad ko at kwinento sa kaniya ang nangyare kanina sa bahay nila suzzy. Simula umpisa Hanggang sa pagpunta at pagsunod ko sa kanila Hanggang sa mall.

"I have to go, I'm tired"- saad niya na tumayo

"Phia? Oka--y na- baaa?"- naputol na aniko

"Hindi, pero naiintindihan kita pero Hindi padin ako makapaniwala or hundred percent na naniniwala sa mga alibi mo. Pero don't worry I'll inform you pag okay nako"- aniya na nakangiti na pilit

"I understand phia, may tanong pala ako?" Ani ko sa kaniya

"Ano yon?"- diretsong aniya na namumugto ang mata na halatang galing sa iyak

"Kayo na ba ni liam?"- diretsang aniko sa kaniya

Biglang naging blangko ang mata niya

"There's no reason for you to know"- seryosong aniya at pumihit patalikod

Sila na kaya? Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang makita kang kasama ng iba phia.

"Kung kayo na nga"- Malakas na saad ko na ikinatigil niya pero nakatalikod parin saakin.

"Hindi ako papayag, babawiin kita phia. Saakin kalang"- Saad ko sa kaniya at maya-maya ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Hindi ako papayag phia, mahal kita. And I know you loved me too.

Sumakay nadin ako sa kotse at nagdiretso sa mansion. Pabagsak akong humiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame, tumayo ako at humarap sa salamin.

Tss hindi padin nabawasan pogi mo gab kahit may pasa ka sa pisngi- natatawang aniko sa aking isipan

Ngumiti ako na parang tanga, at nagisip isip. Atleast ngayon nasabi ko na ang totoong dahilan, gagawin ko ang lahat para manumbalik ang naudlot natin pagmamahalan phia.

Sisiguraduhin ko na tayo Hanggang sa dulo.

Humiga ako sa kama at ZZZzzzzzZzzzzZ

-----

Comment &Vote 🖤

Enjoy reading everyone, thanyouuu. 😘

Chubby turns into gorgeous sexy ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon