Chapter 76

2.1K 73 7
                                    

Cazophia POV

Nagdrive ako patungong mansion.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
Totoo bang ako na ang Mahal niya? At Hindi si suzzy?

Pagkapark ng kotse ay dumiretso ako patungo sa kwarto. Hindi ko nakita sila mommy, marahil ay inaasikaso ang business namin.

Abala ako sa pagmumuni-muni at pilit iniintindi ang lahat ng sinabe ni gab kanina.

Maya-maya ay may kumatok.

"Bunso? Papasok si kuya ha"- sa boses nito ay siguradong si kuya Nate Yun.

Bumukas ang pinto at napaupo naman ako sa kama.

"Oh kuyaaa, pogi ah"- pangangasar ko sa kaniya

Ngunit seryoso naman ang mukha niya na ipinagtaka ko. Siguro, totoo nga yung sinabi ni gab.

"I have something to tell you bunso"- aniya

"Alam ko na kuya"- sagot ko sa kaniya

"Paan-o?"- tila nagugulat na aniya

"Nagkausap kami ni gab, at sinabi niya saakin. Hindi ko lang alam Kung dapat bang maniwala ako sa kaniya kuya"- Ani kong muli

"Oo bunso, totoo yun. At Alam kona ang nangyari sayo bunso, sorry bunso. Nadamay ka, Kasalanan ni kuya"- Ani ni kuya at bigla akong niyakap.

"Ku-ya? ah"- Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay kuya.

"Sorry kung nadamay ka bunso, bat Hindi ka nagsabi saakin bunso? Alam mo namang ayokong sinasaktan ka diba"- aniya at nakatingin sa kaniya

"Sorry kuyaaa I'm sorry. Gusto ko kasi-ng mag matured kuya. Gusto ko mapatunayang kaya ko harapin tong pagsubok na nararanasan ko. I'm sorry kuyaa, promise hindi naako maglilihim"- tuloy tuloy na ani ko

"Aba dapat lang. Akala ko pa naman si liam yung nanliligaw sayo tss. Yun pala yung gabriel nayon yung naging boyfriend mo bunso?"- nahihimigan ang pangangasar sa tono ng pananalita ni kuya.

"Kuya naman e"- nagmamaktol kunware na aniko

"Manang mana ka talaga sa kuya mong macho. Maganda ang taste"- aniya at nagtataas baba ang kilay

"Ewan sayo kuyaaa. Nakaraan nayon, huwag mo naako asarin"- aniko na nakanguso

"Nakoo, osige na hindi na bunso"- aniya at niyakap akong muli.

Ginantihan ko din naman si kuya nate ng yakap.

Naiintindihan ko si kuya, Alam kong wala siyang kasalanan.

KINABUKASAN

I woke up 6:00AM.

Nagayos ako at nagsuot ng uniporme.
Pagbaba ay naabutan ko na sila kuya na nasa hapagkainan. Nandito nadin sila nay mona, laking pasasalamat daw nila at nakapagrelax sila at nagkaroon ng Bonding ni Mang Cesar.

"Good morning everyone"- aniko at ngiting ngiting tumungo sa kanila hinalikan sila sa pisngi.

"Ganda ng ngiti bunso ah"- kuya nate habang nainom ng kape

"Goodmorning bunso"- Ani naman ni kuya drei at nagsimulang kumain.

Ngiti ang ginanti ko sa kanila,
Umupo ako at ininom ang maligamgam na tubig with lemon.  At nagsimulang kumain ng boiled egg with lettuce and tuna.

Matapos kumain ay nagpaalam nako sa kanila dahil papasok nako sa academy.
Pagkarating doon ay ngiting ngiti akong lumakad, I'm so happy. Parang kakaiba ang araw na Ito, walang maririnig na panlalait. Tila panay magagandang komento Lang ang maririnig sa paligid.

Chubby turns into gorgeous sexy ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon