Chapter 79

2K 73 2
                                    

Cazophia POV

December 13.
Bukas na ang last day namin.

Nandito kami sa mall kasama si Hannah at nics and also Tiffany. Girls bonding kunno.

Kumakain kami sa restaurant

"So caz we have questions"- Ani ni Tiffany

"Ano yon?"- Saad ko

"Alam naman natin na mahal ka padin nun ni gab. May panira lang"- Saad ni nics

"Oh yeah Bessy, halatado naman. Imagine, laging may pabulaklak"- Saad ni Bessy na umiinom ng juice (yeah she's right, noong nakaraang linggo kasi na pumunta sila gab sa bahay ay araw-araw narin sa pagpasok ko sa room ay may ibat ibang bulaklak ang  mesa ko at mga love letter. Paniguradong sa kaniya galing iyon)

"Hmm asan ang tanong?"- Saad ko

"Mahal mo padin ba siya?"- sabay sabay na saad nung tatlo

Hindi ako nakasagot agad.

Mahal ko pa nga ba siya?
Yun din ang tanong ko sa sarili ko.

"Ewan ko"- saad ko

"Waaah it means meron pa nga"- kinikilig na ani ni tiffany

"Omyyyyy cz I'm so happy"- nics

"COMEBACK"- Si Bessy

Seriously? Naninibago ako sa kanila. Parang pinupush nila na magkabalikan kami.

Ano kung meron pang pagmamahal? Alam ko namang mawawala rin Ito ng tuluyan.

K I N A B U K A S A N

It's december 14 Last day na namin ngayon and goodnews. Vacant namin sa lahat ng subject ngayon.

Naglalakad ako ngayon sa loob ng academy. Naninibago ako ngayong araw sapagkat sobrang tahimik ng paligid. vacant diba? Omy baka binago na nila.

Nagmadali ako sa paglalakad kasi baka Hindi ako naorient na may klase pala.

Binibilisan ko ang paglalakad ng bigla ay may mga lumabas na mga lalaki sa pintuan.

Gumawa sila ng  linya. Kunot noo ko silang tinignan. At nagpatuloy ako sa paglalakad.

Hindi paako nakakadaan sa unang lalaki na nasa harapan ng bigla ay sabay sabay silang naglabas ng bulaklak. Ano yon? Nagpractice sila at talagang sabay sabay

Nagpatuloy ako sa paglalakad at binigay niya saakin ang bulaklak.

"Pinabibigay niya"- ayon ang saad nung lalaki.

Sinong niya?

Ngumiti ako ng alanganin.

"Salamat?"- patanong na saad ko.

Sa mga sumunod naman ay ganoon din ang pinagsasabe.

"Pinabibigay niya"- ganiyan ang sinasabe. Siguro mga nasa 20+ ang mga lalaking iyon.

Malapit naako sa dulo ng makita ko si josh na ang susunod na lalaking magbibigay ng bulaklak.

"Zoeeey. Flowers for you, pinabibigay niya"- Saad niya at ngingiti ngiti

"Baliw, anong kalokohan to josh?"- natatawang aniko

"Hmm Ewan ko din dun,kacornyhan. Hala sigee lumakad kana"- natatawang aniya

Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko sa may dulo ang nakangitin na si Liam.

Liam?

Siya ang may pakulo neto?

Naglakad ako patungo sa kaniya at inambahan siya ng mahinang suntok sa braso.

Chubby turns into gorgeous sexy ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon