Enjoy Reading!
—————
It's been three days since nung last na kita namin ni Dom. Since i had my flow for three days, I can't move that much kaya hindi narin ako nakabisita. Hindi narin natuloy ang plano ko na dalhan siya ng lunch at sabay kami kumain. Pero i think a snack is better than a meal, since kakain din naman siya sakanila.
Lolo came home late that day. He understand my situation kaya di rin niya ako pinipilit na lumabas ng kwarto, he even bought fruits from the town. Ate Lorna always prepare hot compress incase my cramps worsen then thankfully after 3days i can now move around.
"Oh Ivy maayos na ba ang pakiramdam mo? Nasa planta ang iyong lolo kasama si Nurse Cha"
"Ayos na po ako ate Lorna. Nasabi din po ni Lolo sakin na aalis uli siya ngayon, lolo's pretty busy this past few weeks, bakit po?"
"Ang alam ko lang ay may gustong bumili ng lupa ng lolo mo sa may bandang hilaga ng planta, pero ayaw niya kahit na malaki na ang perang binibigay."
"Talaga po? Baka siguro may plano na si lolo para sa lupang iyon. Btw, aalis lang po ako uli ate !" Pero bago pa ako makatalikod hinablot ni ate Lorna ang pulsuhan ko kaya napatigil ako at napatingin sakanya.
"Saan ka ba nagpupupunta?" She asked me with a malicious look on her eyes
"Ah- sa kaibigan ko po"
"Hmm may kaibigan kana pala, o siya sige basta mabait yan at mapagkakatiwalaan. Hindi kita pagbabawalan, magiingat ka" and with that, tuluyan na akong umalis sa bahay.
Naglakad nalang ako papunta dun kaya siguro medyo matagal ako bago makarating. Nakakapagod din kasing tumakbo, makikita ko rin naman siya. Ano kayang ginawa ni Dom sa Barn nung nakalipas na tatlong araw? Baka di siya pumunta? Since natapos niya yung trabaho nung tumulong ako noon. Pero knowing Dom, even na tapos na ang trabaho he'll do anything para may matrabaho siya. He's persistent and reliable, i like him because of that.
Isang metro nalang ang layo ko, dinig ko na ang mga ingay ng manok at baboy sa kinatatayuan ko. Nandun na rin ang mga itim at brown na kabayo at nakatali sa sari-sarili nilang kulungan. Siguro nasa loob si Dom kasama ang mga puting kabayo at nagbabasa nanaman sa may madilim na sulok.
I went inside carefully and check my right and left before stepping my first foot inside before the other. I made sure na wala akong ingay na nagagawa, I don't know why I'm tiptoeing pero i want to surprise Dom, magugulat ba siya kung makikita niya ako after 3 days? Baka nga di pa siya nagtaka, tsk.
And i was right, nandun nga siya sa sulok kung saan dati ko siyang nabunggo. Nagbabasa parin siya ng libro habang nakadekwatro, he's sitting on a square hay without anything on his back to lean on.
I slowly approach him from his back and took a peak on the book he's reading. Its the same book from before, pero bakit page 15 parin? Is he a slow reader or what?
"Anong ginagawa mo?" I jumped and nearly lose my balance pero thankfully nasuportahan ko naman ang sarili ko at nakatayo agad ng maayos.
"Uh. Gugulatin sana kita! Hmp" ngumuso ako at pinagkrus ang dalawang braso. It's suppose to be a jump scare!
"At sa tingin mo magugulat ako? Anong ginagawa mo dito?"
"Obviously dumadalaw" i rolled my eyes before sitting beside him, too late i am now sitting nung kumuha siya ng bangko. I gasped nung bigla nalang niya akong hinila sa braso and forcefully made me sit on the small chair.
"What the hell? Are you giving me a heart attack?!"
"Ano namang rason para atakihin ka? Tsk"
"Sungit mo!" And then we both become silent. Walang nagsalita for a minute pero nabasag din naman agad ang katahimikang iyon nang una siyang nagsalita.
YOU ARE READING
Start the Chase
Teen FictionIvyna a typical cheerful teenager who unexpectedly loved the scent of the province. She loves to explore and to spend time with the boy she met. Of course, her fun adventures has an ending, it's either permanent or temporarily. She thought there's...