Chapter 8

3 2 0
                                    

Enjoy Reading!

—————

The day ended so fast, Dom insisted na ihatid ako, pero I refuse since masyado na siyang pagod and kaya ko naman umuwi.

So he told me hanggang sa Barn niya nalang ako ihahatid and to avoid arguments, pumayag na din ako.

"Where have you been apo?" Lolo asked me habang nasa diner table kami eating dinner.

"Ah , diyan lang po uli sa may barnhouse lolo"

"With who?"
Why does this feels like I'm being interviewed?

"With a friend po Lolo" I simply answer para wala na ring sumunod pang question.

He looks at me for a second and nods before he continue eating.

Honestly, I am scared to tell lolo that I'm friends with a boy, I just feel like he wouldn't be happy about it. Lolo's too overprotective, I just wanna be sure with stuffs like this. Mahirap na.

"Ako na diyan Ivy ano kaba"

I volunteer na maghugas ng pinggan since wala akong gagawin at para narin makatulong. Pero ayaw ni ate Lorna at kanina pa inaagaw ang sponge saakin.

"Ako na Ate, madali nalang to"

"Talaga tong batang to, osige na. Anong nangyari sainyo kanina?"

"What do you mean ate?"

"Yung date niyo, anong balita?"

Wala naman akong subo subo o kinakain pero nabilaukan ako sa tanong niya, she still thinks that it's a date? I swear to ghad. But, is it?

"Ate, di nga po yun date and wala naman po nangyari kumain lang then namasyal then"

Napatigil nalang ako ng may maalala. Dom confessed right? Like he likes me daw diba? Pero yung like ba na yun is that kinda of like? Geez I'm going crazy.

"Hoy okay kalang Ivy? Wag mo naman pisilin ng mahigpit yang sponge. Aminin mo nga sakin, anong nangyari"

I look at her while biting my lower lip, honestly speaking nahihiya ako at ramdam kong namumula na pisngi ko sa hiya. Whats worst, she has this malicious look on her face nanaman.

"Wala nga po ate eh" I'll just deny the thought

"Bahala ka , pero obvious naman sa mukha mong may nangyari " she laughs kaya wala na akong nagawa kung hindi pagpatuloy ang paghuhugas para hindi narin ako magisip isip ng kung ano ano.

After washing the dishes, paakyat na sana ako nang marinig ko ang Doorknob ng main door na bumukas. Mom and Dad enters with their luggages. 

Wait, Mom and Dad?

"Mom? Dad? Bat ang aga po ng dating niyo?"
Ang alam ko this end of the week pa sila dadating!

"Hello sweetie"
Bumaba ako ng hagdan para salubungin sila ng yakap.

"Something urgent at kailangan gawin agad sa Manila, kaya we have no choice umuwi ng maaga"
Dad answers me dahil si Mommy ay busy halikan ang tuktok ng ulo ko.

"So uuwi na din po tayo ng Manila?"

"Yes sweetie, mamaya na agad"

"Po? Why so sudden Mommy?"

"We're sorry sweetie pero we need to go na talaga eh, don't worry babalik naman tayo before Christmas Eve, it seems like nagustuhan mo na dito. we'll see Lolo first then magpapack na tayo ng gamit mo, okay?"

They went upstairs and naiwan ako sa baba. What am I gonna do? Hindi ako nakapagpaalam kay Dom, ang sudden naman, ni hindi nga niya alam na ngayon na ako pupuntang Manila. What if magalit siya? Pero bat naman siya magagalit? Geez, why am i so problematic over small things.

Start the Chase Where stories live. Discover now