Enjoy Reading!
—————
Tinaas ko ang pendant na bigay saakin ni Dom at tinitigan iyon habang nakahiga. Nakauwi na ako after namin bumisita ni Dom sa bayan, pero hanggang ngayon ay hindi parin mawala yung saya dahil binigyan niya ako ng ganito. Noong una ay nagalala pa ako dahil tingin ko ay medyo may kamahalan yun, pero sabi niya ay binigyan naman siya ng discount ni Mang Bruce.
"Ivy? Kakain na tayo" tawag saakin ni ate Lorna sa labas ng pinto.
"Sge po bababa nalang po ako" tumayo ako at kinuha ang locket na binigay ni Lolo. Since parehas na importanteng tao ang nagbigay sakin nito, i decided to connect the pendant with the locket. Para lang siyang double pendant necklace kaya hindi siya pangit tignan. I smiled and put the locket inside its box.
"Saan ka pumupunta nitong mga nakaraang araw apo?" Lolo asked while we're eating dinner with the maids. Kakauwi lang din niya kani-kanina kaya medyo marumi pa ang polo niyang suot.
"Sa may Barn house lang po Lolo, di naman masyadong malayo dito" i answered
"Barn house? Malalayo pa ang Barn house na pagaari natin" and with that napataas ako ng tingin kay lolo ng nakakunot ang noo. Its not really that far, maybe its only 20-25 minutes far from Lolo's house.
"Ah hindi po siguro sainyo yun, pero may Barn na malapit po diyan Lolo. Malaki at maganda po tignan"
"Talaga apo? Siguro isa sa mga pagaari ng congressman iyon. Basta huwag kang lalayo at delikado na, hindi kapa sanay sa lugar na ito"
Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang kain. Si lolo naman ay kinakausap si Manang Lucing, mukhang about sa lupa iyon ni Lolo dahil narinig kong hindi parin siya pumapayag. I wonder why.
Ate Lorna and I chatted a little habang nasa living room kami, kakatapos lang namin kumain kaya may oras kaming magkwentuhan sa isa't isa. Naikuwento din niya ang buhay niya pati narin yung part na nawala ang anak niya. Iniisip ko kung bakit kinuha nalang bigla ng asawa ni Ate Lorna yung anak nila. Hindi ba pwedeng pagusapan nalang iyon sa maayos at mapayapang paraan?
I went upstairs to start my night routine. I tied my hair into a bun before i pick my nighties. I went inside the bathroom and took a quick shower. 9:00 o'clock palang ng gabi so i decided to chill outside the veranda and read a book.
It's currently 10am, after kong magbasa kagabi ay dinalaw na agad ako ng antok kaya nagising ako kaninang 8:00. I am so ready to visit Dom at the Barn again. I am now wearing a gray t-shirt and jumper jeans paired with black boots and of course, My necklace.
"Magiingat ka Ivy!" Sigaw ni ate Lorna mula sa bahay
"Opo!" Sigaw ko pabalik at nagsimula nang tumakbo ng mabilis papunta sa kinaroroonan ni Dom. Hindi naman mahirap tumakbo sa putikan since I'm wearing a boots, kaya medyo mabilis ang tahak ko.
"Dom!" I shout as loud as i can even tho 10meters pa ang layo ko mula sa pinto ng Barn. Napalingon tuloy yung mga hayop na nasa labas saakin kaya napatigil ako, sakto naman na nahagip ng mata ko yung maliit na mukhang pusa na mukhang tiger. Lalapitan ko sana ang cage niya pero bigla nalang siyang sumugod sa direksyon ko at gumawa ng nakakatakot na sound. Umatras ako at tinaasan iyon ng kilay.
"Ang sungit mo!" Sigaw ko dun kahit na alam ko naman na hindi niya ako maririnig.
"I just want to look at you!" Sigaw ko uli dun sa mukhang pusa pero di parin siya tumitigil sa paggawa nung ingay.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ng isang tinig sa likuran ko. Hindi na ako lumingon para alamin kung sino iyon, proud din ako sa sarili ko na hindi ako nagulat! Nagiimprove na ako.
YOU ARE READING
Start the Chase
أدب المراهقينIvyna a typical cheerful teenager who unexpectedly loved the scent of the province. She loves to explore and to spend time with the boy she met. Of course, her fun adventures has an ending, it's either permanent or temporarily. She thought there's...