Ama—
Tatay—
Daddy—
Papa—
Iba't-ibang katawagan,
Sa haligi ng tahanan.
Ang nagsilbing bayani.
Sa pamilya'y natatangi.Ang ating mga ama,
Ang unang lalaking nagbigay sa atin ng halaga.
Gagawin ang lahat ng makakaya.
Para tayo'y buhayin, pag-aralin at mahalin ng sobra.Magtatrabaho—
Magsasakripisyo—
Siya 'yong tao,
Na hindi sa atin sumuko.Pahalagahan natin ang ating mga ama.
Dahil matanda na sila.
Ang kalusugan nila ay hindi na ganoon katatag.
Maging mabuting anak ang tangi nilang hangad.Magtatapos ng pag-aaral para masuklian.
Ang paghihirap na sa atin ay inilaan.
Ating pahalagaan ang ating mga ama.
Dahil lahat ay may katapusan, lahat nawawala.Para ito sa mga tatay na hindi tayo iniwanan.
Ang nagtiis sa ating katigasan.
Hindi kayo sundalo.
Pero sa lahat ng tatay sa mundo,
Ako sa inyo ay sumasaludo.-Binibining Baybayin
@zuoram
BINABASA MO ANG
Green Pen - Binibining Baybayin
PoetryDito ko ilalagay ang aking mga tula. Iba't-ibang pamagat at paksa. Maaaring masakit, maaaring masaya. Please support my poems!