"ANG KUWENTO NANG MAG-SEKUNDARYO"

1 0 0
                                    

Masasabing takot,
Sa unang pagpasok.
Walang kakilala.
Nang pumasok sa eskwela.

Parang nakakawalang gana.
Ang buhay ng sekundarya.
Puro pag-aaral.
Nakakabagot din minsan.

Ngunit habang tumatagal.
Ay mas sumasaya ang dati'y malungkot.
Napapalitan ng ngiti ang takot.
Lalo na nang makilala ka sa aking pagpasok.

Masasabing normal lang na ang tao'y hangaan.
Ngunit habang tumatagal ang panahon ay tila nagbabago ang nararamdaman.
Mas lumalala ang akala'y paghanga lang.
Mas kinakabahan kapag naririnig ang 'yong pangalan.

Napakasayang malaman na ako'y gusto mo rin.
Highschool lovers ang tawag sa atin.
Hanggang sa tumagal at naging tayo din.
Ang pagmamahalan na nabuo na dati'y tangi lang hiling.

Ito na ang ating graduation.
Magiging alaala na lang ang nangyari sa nakalipas na taon.
Pero matatag parin ang relasyon natin at totoo.
Nang ikaw ay makilala ko,
Nang ako'y mag-sekundaryo.

-Binibining Baybayin
@zuoram

Green Pen - Binibining BaybayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon