"SEMENTADONG GUBAT"

1 0 0
                                    

Ang bawat bansa’y nagpapataasan.
Unlad dito, unlad diyan.
Panibagong teknolohiya ay natuklasan.
Nadamay pati kalikasan.

Samahan niyo ako sa paglalakbay.
Sa nakaraan na hindi na pwedeng balikan.

Ang malinis at walang kalat na kalsada.
Mga dagat na malinaw at walang halong basura.

Naagaw ng pansin ko ang isang liblib na daan.
Papasok sa paraiso ng kagubatan.
Mga batang naglalaro ng tagu-taguan.
Sariwang hangin na nilalanghap ng bawat taong dumadaan.
Mga hayop na mabangis na unti-unting nauubos.
Mga prutas sa bawat puno na kinakain ng mga taong kapos.

Kay gandang pagmasdan ng kagubatan.

Kay gandang pagmasdan ng kagubatan?

K-Kay g-gandang pagmasdan ng k-kagubatan?!

Unti-unting nangatog ang tuhod at balikat.
Ang luha’y nag-uunahan sa pagpatak.
Umiikot ang paligid.
Ang pagkagalak ay napalitan ng inis.

May nagbusina sa harap ko.
Isang sasakyan na muntikan na sa akin ay bumunggo.
Napatabi na lamang ako sa aking kinatatayuan.
Napatingin sa baba at biglang natauhan.
Ang lupa’t damo na aking tinutungtungan,
Ay isa ng sementadong daan.
Nagpalinga-linga sa paligid at napaawang ang labi.
Ang matatayog na puno ay napalitan ng matatayog na gusali.
Ang mga prutas na ngayon ay balot-balot nang pagkain.
At ang mga hayop?
Iginala ang mga mata.
Ang mga hayop na dati’y gumagala─
Ngayon ay tao na.

Ang laki na ngayon nang pinagbago.
Kung pwede lang sanang ibalik ang dating ganda nito.

Pag-unlad kapalit nang pagkasira ng kalikasan.
Pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Tuluyan na ngang nagbabago ang mundo.
Ang dati’y paraiso,
Ngayon ay sementado.

-Binibining Baybayin
@zuoram

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Green Pen - Binibining BaybayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon