Hindi lahat ng malabo,
Nagagamot ng EO.
Minsan ay kailangan mong tanggapin,
Na wala talagang kayo.Malikot ang mga mata.
Kinakati ang mga paa.
Kung ano-anong natuklasan.
Kagaya na lang ng isang lagusan.
Lagusan na hindi alam kung ano ang patutunguhan.Maliwanag no'ng una kaya pumasok ka.
Sa isang kwebang hindi sigurado.
Sa pagpasok ay mas naakit ka.
At hindi alam kung meron bang dulo.
Sa una lang malinaw ang lahat.
Dahil ang nararamdaman ang pinairal sa lahat.Habang tumatagal at lumalayo.
May matutulis na bato,
Na naging dahilan kung bakit ka nasaktan.
Ngunit hindi ka puwedeng magreklamo dahil ikaw ang pumasok sa gulo.
Puwede kang masaktan pero wala kang karapatang magselos dahil wala namang kayo.Label ang kulang,
Pero bakit hindi niyo nilagyan?
Habang tumatagal ay mas dumidilim.
Mas lumalabo ang nangyayari at nakukulong sa patalim.
Patalim na pumapatay sayo.
Nang malaman mong iba ang kanyang gusto.Gusto mong magtanong kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Ngunit napatigil ka at napasabing, "Oo nga pala, hindi nga pala tayo".
Lumabas ka na habang maagap pa.
Pero bakit hindi mo parin ginawa?
Mas piniling mong umasa sa mabubulaklak niyang salita.Akala mo,
Panghabang-buhay ang lahat ng namamagitan sa inyo.
Pero natuklasan mo,
Ang makakasakit sayo.
Nang umabot kayo sa dulo.Siguro nga'y hanggang doon na lang.
Hindi na puwedeng ibalik ang pagkakamaling pinasukan.
Ititigil na ang lahat dahil natauhan na at nakaintindi.
Masakit pero kailangang tanggapin ang nangyari.
Na parang tayo pero hindi.-Binibining Baybayin
@zuoram
BINABASA MO ANG
Green Pen - Binibining Baybayin
PoesiaDito ko ilalagay ang aking mga tula. Iba't-ibang pamagat at paksa. Maaaring masakit, maaaring masaya. Please support my poems!