Relasyon ang pinasok mo,
Minsan pangmatagalan,
Minsan panandalian.Wala ka pang karapatan na pagbawalan siya sa lahat ng kanyang ginagawa.
Hindi mo siya puwedeng patigilin dahil lang sa ayaw mo sa pinagkakaabalahan niya.'Wag kang masyadong maarte.
Hindi ka lang napasahan ng long sweet message—
Tinoyo ka na at kulang nalang ay isama sa mga putahe.
Hindi ka lang nai-my day—
Iisipin mo agad na hindi ka niya pinagmamalaki.
Na-late lang ng reply akala mo na nangbababae o nanglalalaki.
Wala ka lang sa bio—
Akala mo ay ikaw ay itinatago.
Anong gusto mo?
'Yong may pangalan mo?
Tapos susi, padlock kasama ang petsa na naging kayo?
Ang jeje mo!
Ang sabi sa bio—
Describe you self,
Hindi name your jowa with date.Pasensiya na kung may natamaan.
Hindi ko sinabing umilag ka— diyan ka lang.Gusto mong magtagal kayong dalawa.
Tapos nalimutan ka lang tanungin kung kumain ka na ba—
Galit na galit ka na.
Sa mababaw na dahilan na nagiging rason ng hiwalayan.
Nag-ML lang 'yong tao akala mo pagtataksilan ka na.
Teka— Ipapaalala ko lang sayo na jowa mo pa lang 'yan hindi pa asawa.Kung gusto mong kayo'y magtagal.
'Wag kang maghigpit, 'wag mong kabitan ng bakal.
Dahil kung tunay ka niyang mahal.
Hindi 'yan magtataksil, tanging ikaw lang.Maaaring hindi ka pinasahan ng LSM dahil hindi kailangan ng salita para ipadama ang tunay na nararamdaman.
Hindi my day ang basehan sa pagiging proud niya sayo—
Dahil siguro'y ayaw lang niya na may kaagaw siya sa ibang tao.At higit sa lahat,
Hindi mo kailangang i-bio.
Dahil hindi lahat ay kailangang isa-publiko.Tiwala ang kailangan sa relasyon.
Hindi ang pagiging immature.-Binibining Baybayin
@zuoram
BINABASA MO ANG
Green Pen - Binibining Baybayin
PoetryDito ko ilalagay ang aking mga tula. Iba't-ibang pamagat at paksa. Maaaring masakit, maaaring masaya. Please support my poems!