Patient 201

9 1 0
                                    


"Nurse palabasin mo ako dito, ano ba. Wala akong sakit..." pakiusap ni Ricky Mata sa nurse na pumasok sa kwarto nya.

"Ano po ba ang nararamdaman nyo?" tanong ng nurse sa kanya.

"Wala naman, wala akong ubo, sipon o lagnat. Wala akong sintomas, wala akong covid," reklamo ni Ricky. "Pauwiin nyo na ako at sasakay na ulit ako sa barko."

"Seaman po kayo sir?" tanong ulit ng nurse na mataman nag oobserba sa pasyenteng nakaupo sa kama.

"Oo pero nung magsara ang kumpanya namin pinauwi na ako. Malas lang na naharang ako sa MIA dahil may sakit daw ako, eh wala naman hmp," pa ismid na kwento ni Ricky.

Saglit na pinitik ng nurse ang dala nyang pang injection at itinusok ito sa braso ni Ricky. "Pang relax po ito, huwag kayo mag alala," sabi nito.

"Pusa ka, sabi ko na sayong wala akong covid!" sigaw ni Ricky sabay damba sa nurse.

Nagsisigaw na tumakbo palabas ng kwarto ang nurse sa pagka bigla. "What happened?" tanong ng doktor na nakasalubong nya.

"My God Doc, Patient 201 attacked me. Buti na lang..." paliwanag ng nurse na namumutla pa.

"Buti na lang naka straight jacket sya hahaha. Ganyan talaga dito masanay ka na sa mga pasyente natin."

"Grabe, maayos naman syang kausap Doc pero yung mata nya umiikot and he easily explodes."

"I know. Pero kawawa naman si Patient 201, he lost his job and now his mind. Marami silang dinala dito recently na ganyan, mga OFW..."

NOTE:
This is an original story written by Harry S. Alamo dated 24 July 2020

The Dark ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon