Nabigla ako nang sa pagmulat ng mga mata ko ay may isang lalaking naka upo sa tabi ng kama ko."Sino ka, doktor?" tanong ko sa kanya.
"Huwag kang matakot. Romel Z. Corsa, hindi ba?" sagot ng lalaki.
Nuoy natuon ang pansin ko sa itim na Rosas sa bulsa ng kanyang amerikanang kulay puti. "Nga...ngayon na ba?" nagaalalang sagot ko sa kanya.
Ngumiti lang yung lalaki.
"Wait lang po. Pwede pass muna. Marami pa akong aayusin sa buhay ko."
"Walang ganun Mars walang ganun," may tila pang aasar na sagot nito.
Tumalon ako mula sa higaan ko at tumakbo palabas ng kwarto. Hindi ko na alam kung paano ko naalis yung suwero sa kamay ko, oxygen hose sa mukha ko at ECG prods sa dibdib ko. Tinahak ko ang mahaba at madilim na pasilyo ng ospital. Sinundan ko ang liwanag na nanggagaling sa dulo. Pag dating ko sa dulo, andun na naghihintay sa akin yung lalaking naka amerikana.
"Dito talaga ang punta mo," sabi nito.
Napa upo ako sa tabi ng dingding, nangilid ang luha ko. "Pwede pa ba ako bumalik sa pinanggalingan ko?"
"Para saan pa?"
"Hindi pa ako ready."
"Lahat naman hindi ready."
"Pero mag kwarenta pa lang ako. Nasa tuktok ako ng career ko."
"Iyan din sabi ng iba."
"Mag aasawa pa lang ako."
"Eh ba't hindi mo inagahan?"
"May girlfriend ako."
"Meron syang iba."
"Marami akong naipundar na properties paano na yan?"
"Huwag ka mag alala, unahan sa pag claim nyan ang mga kamag anak mo."
"Paano na yung mga alahas ko, pera at stocks?"
"Hay naku materialistic!"
"Sino ka ba talaga?"
"Uy kunyari ka pa kanina mo pa alam," nakangiting sagot ng lalaki.
"Ano ang karapatan mo na...isama ako?" inis na tanong ko.
"Trabaho lang brod walang personalan."
"Hayst wala na bang tawad?"
"Nuon ka pa dapat humingi ng tawad."
"Saan ba ako sa taas o sa baba?"
"Kanina mo pa sinagot ang tanong mo."
"Oh my God!"
"Oh ba't ngayon mo lang sya naalala."
"Busy ako sa career ko para umasenso."
"Busy din sya. Kaya tama na ang chika. Lets go Romel."
At nagsimula kami maglakad sa pasilyong papunta sa dako pa roon.
NOTE:This is an original story written by Harry S. Alamo dated 31 October 2020
BINABASA MO ANG
The Dark Zone
Fiksi UmumThis is a series of short stories which I originally posted in my own Facebook account